Magsasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Nadine Lustre at Bea Binene sa Nokturno, ang horror movie na balak isali ng Viva Films sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre 2023.
Dati nang magkakilala ang dalawa dahil nagkatrabaho sila noon sa Party Pilipinas, ang defunct Sunday noontime variety show ng GMA-7.
Sa ginanap na story conference ng Nokturno, ikinuwento ni Nadine na miyembro pa siya ng all-girl group na Pop Girls nang makasalamuha niya si Bea sa Party Pilipinas.
“Hindi kami directly nagka-work ni Bea, but we were in Party Pilipinas when I was still with the Pop Girls, so nagkita-kita na kami before.
“So, ngayong nagkita ulit kami, parang hindi naman siya total stranger to me.
“Nagkakausap na rin kami before. May pinuntahan kaming event, so hindi na siya total stranger.
“But I am really excited to do it with a new cast this time around, kasi siyempre, ang saya ng ibang meron nang katrabaho.
“I’m really looking forward to working with Bea,” sabi ni Nadine tungkol sa pagsasama nila ni Bea sa bagong horror movie na pangungunahan niya.
Kinumpirma ni Bea na dati na silang nagsama ni Nadine sa Party Pilipinas dahil sa mga dance production na ginagawa nila noon kaya excited siya sa pelikulang kanilang gagawin.
“I am just really excited and now, we belong to one home, one roof now under Viva Artists Agency,” sabi ni Bea, na kinakabahan dahil isang horror movie ang proyekto nila ni Nadine.
Mag-iisang taon na mula nang lumipat si Bea sa talent management agency ng Viva Entertainment noong September 23, 2022.
Kamakailan lang, pumirma siya ng exclusive movie contract sa Viva Films at Studio Viva.
Ang The Rain in España ang original series na unang proyekto ni Bea para sa Viva One.
Masusundan ito ng Safe Skies, Archer na mapapanood sa October 2023.
Isa rin si Bea sa mga bida ng Philippine adaptation ng hit Korean movie na Sunny na pagbibidahan nila nina Heaven Peralejo at Aubrey Caraan.
Mapapanood si Bea sa isang episode ng For The Love, ang Saturday afternoon romance anthology ni Pops Fernandez sa TV5.
Si Gab Lagman ang leading man ni Bea sa For The Love episode at ito ang kanilang unang on-screen partnership.
“So excited for what’s coming,” pahayag ni Bea.
Taos-puso ang pasasalamat ni Bea dahil sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan at sa mga sunud-sunod na proyektong ibinibigay ng home studio niya.
News
Nadine Lustre’s fun and exciting “scuba diving” VIDEO
Nadine Lustre recently delighted her fans by sharing a longer, fun-filled video of her scuba diving adventure, which quickly garnered attention on social media. In the video, Nadine can be seen embracing the ocean with a sense of excitement and…
HOT: Nadine Lustre and Carlo “lovely” exchanged intimate looks, are they dating?
In the days leading up to the theatrical release of Irene Villamor’s Ulan, Nadine Lustre fans have put forward theories about what this supernatural romance really is all about. The teasers are, after all, a tad eerie and intriguing to the…
HOT: Nadine Lustre stars in a movie about self-love that involves James
In case you haven’t noticed, on-screen and real-life couple Nadine Lustre and James Reid have been working on separate *gasps* projects recently. James is starring in Miss Granny and Nadine has started shooting for her new film called Ulan. The cast of Ulan includes Nadine, Xian Lim, Marco Gumabao, and AJ Muhlach and…
Discovering the “unusual relationship” between Nadine Lustre and Carlo Aquino
The relationship between Nadine Lustre and Carlo Aquino has become a hot topic recently, as the two famous Filipino stars have been spotted together at various events and joint projects. What draws even more attention is the unusual nature of…
HOT: Nadine Lustre suddenly started dating a famous player for the Los Angeles Lakers
Rumors have surfaced that NBA star Kyle Kuzma is excited to learn that Nadine Lustre, the talented Filipino actress, is still single and has expressed interest in dating her. This news has caught the attention of both media and fans…
Nadine Lustre Takes You To Paris Fashion Week With Vogue Philippines
Switching up her scenery from surfing weekends to busy Parisian streets, award-winning actress and musician Nadine Lustre attends her first Fashion Week, and in Paris no less. Flown in by Emirates, follow her along as she heads to the Spring/Summer 2024 runway shows…
End of content
No more pages to load