Joshua Garcia is ANGRY, can’t accept that his ex-girlfriend ex-girlfriend Julia Barretto loves Gerald Anderson

Joshua Garcia disclaimer

Joshua Garcia ang viral post sa Facebook ng isang “Joshua Garcia” na kino-congratulate ang ex-gilfriend na si Julia Barretto sa pag-amin nila ni Gerald Anderson tungkol sa kanilang relasyon.

Nakalagay sa Facebook post ng nasabing fan account: “Congratulations Gerald Anderson and Julia Barretto. (two heart emojis)”

Kalakip ng post ang larawan nina Gerald at Julia.

Joshua Garcia facebook congratulatory post for Gerald-Julia relationship

Nakarating ito kay Joshua kaya kaagad siyang naglabas ng disclaimer sa kanyang Instagram Stories kahapon, March 7.

Sabi ni Joshua, wala siyang aktibong Facebook account.

Paglilinaw ng 23-year-old actor, “FYI po, this one is not mine and i don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you.”

Instagram Story: Joshua Garcia that he doesn't own the FB account

May isa pang post ang “Joshua Garcia” fan account na tila may pahiwatig din sa pag-amin ni Julia sa relasyon nito kay Gerald.

Mababasa rito: “Maging masaya tayo sa ikaliligaya ng iba. [smiling face, praying hands emojis]”

Joshua Garcia facebook viral post

April 2019, umamin sina Joshua at Julia tungkol sa kanilang two-year relationship.

Ngunit pagkalipas lamang ng ilang buwan ay tinapos na rin ng dalawa ang kanilang relasyon.

THE JULIA-GERALD RELATIONSHIP

Halos dalawang taon nang pinag-uusapan ang tungkol sa ugnayan nina Gerald at Julia.

At nitong Biyernes, March 5, tinapos na ni Gerald ang espekulasyon ng marami tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila.

Sa pamamagitan ng panayam nito kay Boy Abunda para sa kanyang YouTube channel, inamin ng aktor na may relasyon nga sila ni Julia.

Pero hindi naman nito sinabi kung kailan naging opisyal ang relasyon nila.

Noong July 2019 pa pinaghinalaang may relasyon ang dalawa dahil spotted silang magkasama sa Bonifacio Global City, Taguig.

Si Julia rin ang itinuturong “third party” sa hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo. Pero mariin itong pinabulaanan nina Gerald at Julia.

Matapos ang pag-amin ni Gerald, namataan ng netizens ang first public appearance nila ni Julia as a couple noong Sabado, March 6, habang namamahagi ng ayuda sa Aeta families na naninirahan sa Lupang Pangako Resettlement sa Barangay San Agustin, Iba, Zambales.

Kahapon, March 7, ang ika-32 kaarawan ng aktor. Binati siya ng girlfriend sa kanyang Instagram account. at ito ang unang post ni Julia tungkol sa kanila ni Gerald.

Mensahe ni Julia, “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful [white heart emoji]. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”