Gustong makausap nang masinsinan ni Joshua Garcia, 22, ang kapwa Kapamilya actor na si Gerald Anderson, 31.
Sinabi ito ni Joshua sa isang segment ng Cinema News At Home Edition, ang showbiz talk show ng cable channel na Cinema One, noong Biyernes, August 28.
Isang fan ang nagtanong kay Joshua kung sino ang gusto niyang makausap nang no-holds barred ngayong lockdown.
Nagulat ang fan, maging ang host ng show na si Bianca Gonzalez, nang sabihin ni Joshua na si Gerald ang taong yun.
Pahayag ni Joshua, “Siguro si Kuya Gerald, pero hindi online, hindi ko kailangang i-online.
“Siya—kasi na-realize ko nung quarantine, nung nag-lockdown, ang hirap, ang liit ng industriya namin. Ang hirap nung may ka-awkward-an.
“Ang ginawa ko, tinext ko siya, sabi ko, ‘Bro, Joshua ito. Gusto ko lang maging honest, lahat.’
“Tinext ko siya ng ganun, pero hindi pa siya nagre-reply.”
Patuloy ng young actor, “Hanggang dun lang ang kaya kong ibigay na text. Para ma-clear lang yung air sa lahat ng nangyari.
“Nahihirapan akong gumalaw, parang ganun yung feeling.
“Yun yung isa sa na-realize ko nung quarantine, nung lockdown—ang hirap nung may ka-awkward-an ka. Nagka-issue kayo, ganyan.”
Ayon kay Joshua, naging totoo lang siya sa pagsagot sa tanong ng Cinema News At Home. Pero siniguro rin niya sa interview na wala siyang problema kay Gerald.
“I’m being honest lang, ha, kasi ako wala naman akong kaso sa kanya. Ako, sobrang cool na ako sa kanya. Ako, okay na ako sa kanya.
“Kuya ko kasi siya, same handler kami.”
Nasangkot sina Joshua at Gerald, parehong talents ng Star Magic, sa isang malaking kontrobersiya noong 2019.
Si Gerald ang naiturong dahilan ng breakup ni Joshua at ng girlfriend niyang si Julia Barretto, 23; at si Julia naman ang naiturong third party sa hiwalayan ng magkasintahang Gerald at Bea Alonzo, 32.
Parehong itinanggi nina Gerald at Julia—na nagkatambal sa pelikulang Between Maybes—ang mga paratang sa kanila.
Makalipas ang mahigit isang taon, hindi pa rin namamatay ang pag-uugnay kina Gerald at Julia. Malakas ang bulung-bulungang may namamagitan sa kanila.
WORKING WITH JULIA AGAIN
Samantala, muling nagkatrabaho sina Julia at Joshua sa Star Cinema digital series na Love Unlock, kung saan tampok sila sa episode na “E-numan.”
Ayon kay Joshua, hindi niya akalaing magkakatambal agad silang muli ng ex-girlfriend.
Huli silang nagkasama sa zombie movie na Block Z, na ipinalabas noong January 29, 2020.
“Hindi ko in-expect na agad-agad na magkaka-work kami agad.
“Maliit lang ang industriya, magkakatrabaho at magkakatrabaho kami. Pero hindi pa ngayon.
“Feeling ko, bibigyan pa kami ng project next year or next, next year. Hindi ko in-expect na ngayon din agad.
“Sa akin naman, wala namang kaso, kasi okay naman kami ni Julia. Wala naman kaming problema.”
Ibinahagi rin ni Joshua ang mga challenges sa paggawa ng isang proyekto sa gitna ng pandemiya.
“Mahirap, putol-putol. Kung kaya naming idiretso na walang nagkakamali, madali. Kung may nagkamali, ulit.
“Mahirap, kasi parang dalawang camera—webcam, then phone.
“Then, kami rin audioman, parang kami lahat gagawa. Kami rin aarte.
“Halos hindi na kami nakapagkumustahan. Work lang talaga.
“Pero bilib ako, kasi siyempre we survived. Natapos namin.
“Very creative kami that time. Nag-quarantine, bahay-bahay lang lahat.”
Kuwento pa ni Joshua, pagkatapos ng shoot nila ni Julia ay tinext din niya ang kapareha.
“Tinext ko agad si Julia, sabi ko, ‘Nice to see you. Thank you for today, tapos ingat kayo ng family mo.’
“Nag-reply lang siya ng ‘Thank you.’ Sabi ko, ‘Maganda, masaya episode.’”
JOSHUA ON LOVE
May isang linya si Julia sa Love Unlock kung saan sinabi nitong “ang love ay parang pagwawalwal, nakakapagod din.”
Sang-ayon ba si Joshua dito?
Tugon niya, “Depende kung nasa anong klaseng relationship mo nung panahon na yun.
“Nakakapagod siya kung three years na kayo, ‘tapos parang toxic na relationship. Away kayo nang away, selos nang selos. Nakakapagod yun.
“Kung healthy relationship niyo, maayos kayong nag-uusap, may bonding kayo, hindi naman kayo aabot sa mapapagod kayo.
“Sa relationship part yun, e, part yun sa dadaanan ninyo talaga. Nasa inyong dalawa kung makaka-survive o hindi.”
Ano ang pinaka na-miss niya kay Julia?
Sabi ng aktor, “Ang na-miss ko kay Julia, yung presence niya.
“Iba rin naman ang feeling kapag may karelasyon ka, kapag may dyowa ka. Sarap kaya nun.
“Yun talaga, yung presence. Yung feeling na may kasama ako sa lahat ng ginagawa ko. Parang team.”
News
Joshua Garcia nagparamdam noon sa Sparkle artist na si Shuvee Etrata?
Ano kaya ang masasabi ng fans ni Joshua Garcia sa pasabog ng Sparkle talent na si Shuvee Etrata, isa sa guests sa The Boobay and Tekla Show noong Linggo, November 5, 2023? Kasama ni Shuvee na guests ang iba pang sexy stars ng Sparkle na…
Hot: Joshua Garcia loves his ex’s best friend
Happy ang aktress na si Julia Barretto na “graduate” na umano s’ya sa mga pa-tweetums stage at medyo mature roles na ang gagampanyan nya. Sa upcoming digital series nga na ‘I AM U’ kung saan s’ya ang gaganap na lead…
Joshua Garcia Opens Up About Allegedly DM-ing A Girl On Instagram
Joshua Garcia shrugged off the recent issue linking him to a woman on social media. The young actor allegedly exchanged private messages with Twitter user @danerhea, who uploaded a screenshot of an Instagram DM from @garciajoshuae—the same IG handle identified as Joshua’s official account. In her…
Julia Barretto, Joshua Garcia follow back each other on Twitter: What’s up more than a year after their breakup?
Kaya ba nina Julia Barretto at Joshua Garcia na maging magkaibigan sa kabila ng hiwalayan nila noong 2019? Ngayong Lunes ng gabi, August 10, inanunsiyo ng dating magkasintahan na nagdesisyon silang i-follow muli ang isa’t isa sa Twitter. Unang nag-tweet…
Joshua Garcia, Julia Barretto send fans gushing anew with ‘Joshlia spark’
Joshua Garcia and Julia Barretto had fans screaming from “kilig” over the pair’s new TikTok videos, drawing excitement over their upcoming reunion film. The former on-and-off screen partners—dubbed as “JoshLia”—joined a photo trend, striking four different poses while Taylor Swift’s “Cruel Summer”…
OMG!JOSHUA GARCIA NILANTAD NA ANG BAGONG GIRLFRIEND?! PINAUBAYA NA TALAGA SI JULIA BARRETTO?!
Kamakailan lang, si Joshua Garcia ay nagkaroon ng matinding atensyon sa media matapos niyang ilantad ang kanyang bagong girlfriend. Ang balita na ito ay agad na naging viral at pinag-usapan, lalo na sa konteksto ng kanyang nakaraan kasama si Julia…
End of content
No more pages to load