Joshua Garcia nagparamdam noon sa Sparkle artist na si Shuvee Etrata?

shuvee etrata joshua garcia

Ano kaya ang masasabi ng fans ni Joshua Garcia sa pasabog ng Sparkle talent na si Shuvee Etrata, isa sa guests sa The Boobay and Tekla Show noong Linggo, November 5, 2023?

Kasama ni Shuvee na guests ang iba pang sexy stars ng Sparkle na sina Angel Leighton at Roxie Smith.

shuvee angel roxie tbats

May pamatay na tanong sa kanila sina Boobay at Tekla sa segment na “Guilty or Not Guilty” na kailangan nilang sagutin.

Ang tanong ay kung meron na ba silang binasted na celebrity. Hindi naman daw kailangang basted na nanligaw. Puwedeng yung nagparamdam na dinedma o hindi nila pinansin.

Si Roxie ang unang sumagot na si “Kit Thompson” daw ang isa sa nagtsa-chat sa kanya na dinedma niya.

Sumunod si Shuvee na ang sinagot niya ay taga-Unbreak My Heart, at binanggit ang pangalang “Joshua.” Obvious na si Joshua ang tinutukoy niya. Hindi na niya idinetalye kung paano niya ito dinedma.

Si Angel Leighton ay taga-Unbreak My Heart din daw ang dinedma niya, at binanggit niya ang pangalang “Will.” Siyempre, ito ang kasamahan din niya sa Sparkle na si Will Ashley.

Baka merong tumaas ang kilay at mag-react na supporters ni Joshua. Hindi naman siguro ito sasabihin ni Shuvee kung wala siyang resibo.

NOEL FERRER

Dapat sigurong ilabas ni Shuvee ang resibo, dahil may nagkuwentong nagpapadala raw ng message si Joshua sa ilang post ng baguhang aktres na naka-bikini.

Ang tsismis, nag-DM daw si Joshua kay Shuvee ng “This Is my mine.”

Pero hindi naman ganun ka-impressive ang rating ng TBATS nung Sunday. Naka-3% lang pala ito.

JERRY OLEA

Ang TBATS ay sumunod sa Kapuso Mo, Jessica Soho na hindi rin ganun kataas ang rating. Naka-14.7% ito.

Narito ang ratings ng iba pang mga programa nung nakaraang Linggo, November 5…

Naka-4.6% ang All-Out Sundays, at ang ASAP Natin ‘To ay naka-3.4%.

Naka-4.8% naman ang pelikulang Izla sa GMA Blockbusters, at ang Tao Po sa A2Z ay 1.4%. Ang FPJ Da King naman ay 3.3%.

Sumunod ang Regal Studio Presents na naka-4%. Ang Resibo ay 5.1%.

Pagdating sa prime time, naka-7.5% ang 24 Oras Weekend, at ang TV Patrol ay 2.3%.

Ang Sparkle University ay 8.5%, at sumunod ang Bubble Gang na 8.8%, at ang The Voice Generations ay 11.6%.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News