Speecheless pero flattered si Joshua Garcia sa pag-amin ni Ivana Alawi na may gusto siya sa Kapamilya actor.
Una nang ibinuking si Ivana ng kapatid niyang si Mona Louise Rey sa vlog ng sexy actress noong August 29, 2021.
Hindi itinago ni Ivana ang kasiyahan nang mapanood ang surprise video message mula kay Joshua.
Sa vlog ni Ogie Diaz kay Ivana noong October 13, 2021, inulit ni Ivana na crush niya si Joshua.
Dito ay inamin din ng sexy actress na may komunikasyon na sila ni Joshua at nakapagpalitan na sila ng mensahe sa isa’t isa sa pamamagitan ng direct messages ng Instagram.
Sa virtual mediacon ng TV series na Viral Scandal ng ABS CBN na ginanap kagabi, October 19, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Joshua tungkol kay Ivana.
Napatakip muna ng mukha si Joshua, na waring nahihiyang mausisa lalo pa’t nasa presscon ang buong cast members ng serye.
Sabay napangiting sagot ni Joshua: “Ako, pag may humanga sa akin, nakakadagdag ng confidence yun sa lalake, di ba?
“Di ko alam ang reaction ko. Siyempre thank you kasi naa-appreciate yung work ko na ginagawa.
“Base sa nakita ko at narinig ko, na-appreciate niya yata yung acting ko, thankful, sobrang thankful ako.
“As an actor, maraming salamat.”
Sinabi rin ni Joshua na nais niyang maging kaibigan si Ivana, pero hindi na siya nagdetalye tungkol sa pagdi-DM nila sa isa’t isa.
“Yeah, I’m open na maging magkaibigan, okay lang sa akin,” simpleng saad niya.
ON FRIENDSHIP WITH NGUYA SQUAD
Isa si Joshua sa miyembro ng barkadahang “Nguya Squad” na binubuo ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Nung nakaraang Setyembre ay nagbigay ng madamdaming mensahe si Joshua na ang grupo ang tumulong sa kanyang hindi malunod sa kalungkutan sa panahon na mayroon siyang pinagdadaanan.
Ayon sa Kapamilya actor, napakasuwerte niyang naging bahagi siya ng grupo.
“Sila kasi yung nandun para sa akin especially nung nag-pandemic. Nakakulong lang ako palagi sa kuwarto, di kasi ako mahilig lumabas.
“Laking tulong nung ginawa nila na lumalabas kami, ang dami naming activities na ginagawa.
“Sila rin kasi yung nandiyan nung time na nung may problema ako, sila yung nandiyan para sa akin.”
Patuloy ni Joshua: “Di sila nawala, aminado ako na nawala ako.
“Hayun, sobrang pasasalamat lang, sobrang grateful ko na nandiyan lang sila para sa akin.
“Sobrang suwerte ko na naging kaibigan ko sila.”
JOSHUA’S new tv series
Pinagbibidahan ni Joshua ang series na Viral Scandal kapareha si Charlie Dizon.
Kabilang din sa cast sina Dimples Romana, Jake Cuenca, Ria Atayde, Markus Paterson, at iba pang Kapamilya stars.
Tinanong namin si Joshua na kung saka-sakaling mai-involve siya sa isang viral scandal, aaminin niya ba ito at dedepensahan ang sarili o mananahimik na lang siya at hahayaan na lang mamatay nang kusa ang isyu?
Sagot ni Joshua, “Well, ako, depende siguro sa sitwasyon, depende sa klase ng video na nag-viral.
“Kung alam ko na kailangan kong mag-explain, mag-e-explain ako.
“Pero pag kailangan kong huwag na lang magsalita, ganun na lang ang gagawin ko. Depende talaga sa sitwasyon.”
News
Shocking news: Joshua Garcia collapsed when he learned he had a serious illness
Joshua Garcia Devastated Upon Learning He Has a Terminal Illness The world of showbiz was recently shaken when rumors emerged that beloved Filipino actor Joshua Garcia had received devastating news: he was diagnosed with a serious and potentially terminal illness….
Joshua Garcia’s scene made fans cover their eyes and didn’t dare watch it because it was too bold (video)
Joshua Garcia “Kisses” Jodi Sta. Maria in Unbreak My Heart Teaser: A Stirring Scene Sparks Reactions The recently released teaser for the much-anticipated series Unbreak My Heart has set the internet abuzz with one particular moment: a steamy scene where…
Hot: Gerald Anderson says Joshua Garcia’s ex-girlfriend will be his last
Gerald Anderson says Joshua Garcia’s ex-girlfriend will be his last Hindi na nalalayo ang panahong ikakasal ang aktor na si Gerald Anderson, 34. Ito ang sinabi mismo ni Gerald nang matanong ni Korina Sanchez, sa programang Korina Interviews na umere sa Net25 kahapon, March 19,…
Joshua Garcia reacts to reports about Julia Barretto and Gerald Anderson settling down
Joshua Garcia reacts to reports about Julia Barretto and Gerald Anderson settling down Matunog ang bali-balitang napag-uusapan na ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto ang pagpapakasal, lalo’t sa nakaraang interview sa Kapamilya actor ay sinabi nitong nakita na niya kay Julia ang babaeng…
Joshua Garcia’s Palawan beach photos send fans into a tizzy
Joshua Garcia’s Palawan beach photos send fans into a tizzy Joshua Garcia has once again set hearts racing and fans swooning with his latest Instagram post. Today, June 17, 2023, the 25-year-old actor took to the popular social media platform, to…
Joshua Garcia suddenly posted a photo of Kathryn Bernardo’s close friend
Joshua Garcia suddenly posted a photo of Kathryn Bernardo’s close friend May ugnayan o magkaibigan lang ba sina Joshua Garcia si Trina Guytingco? Ito ang kilig na usap-usapan ng netizens na nasubaybayan ang mga litrato ng dalawa na kuha sa beach trip…
End of content
No more pages to load