Joshua Garcia reacts to reports about Julia Barretto and Gerald Anderson settling down
Matunog ang bali-balitang napag-uusapan na ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto ang pagpapakasal, lalo’t sa nakaraang interview sa Kapamilya actor ay sinabi nitong nakita na niya kay Julia ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay.
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Joshua Garcia sa grand conference ng Unbreak My Heart na ginanap sa Seda Hotel sa Quezon City, noong May 25, 2023, hiningan namin ng reaksiyon ang Kapamilya actor sa lumabas na balita tungkol kina Gerald at Julia.
Si Joshua ang dating boyfriend ni Julia bago naging sila ni Gerald.
“Hindi ko alam, bago yan sa akin, ngayon ko lang narinig yan. Kung saan sila masaya, support ako dun,” maikling pahayag ni Joshua.
May komunikasyon pa ba sila ni Julia hanggang sa ngayon?
Tugon ni Joshua, “Medyo matagal na rin kaming hindi nag-uusap after pandemic and all.
“Parang separate ways na rin kami ngayon, busy na rin kami sa iba’t ibang projects.”
Sa kabila ng paghihiwalay nila ng landas ni Julia, bukas at nilu-look forward daw ni Joshua na magsama pa rin sila sa isang proyekto ng ex-girlfriend.
“Yes, and sinabi ko yan sa interview na kung mayroon man, siya ang unang pumapasok sa isip ko,” aniya.
Sa interview kamakailan ni Gabbi Garcia sa Fast Talk With Boy Abunda ay nabanggit nitong tinawagan niya si Julia at nagpaalam sa magiging tambalan nila ni.Joshua sa Unbreak My Heart.
Matalik na magkaibigan sina Julia at Gabbi.
“Nakita ko yun, napanood ko yun. Hindi ko alam… it’s between them,” reaksiyon ni Joshua.
TOP LEADING MAN
Sa pagkakabuwag ng tambalang JoshLia nina Joshua at Julia ay pinush si Joshua bilang solo actor na puwedeng ipareha sa iba’t ibang aktres.
Sa ngayon nga ay naikukunsidera na si Joshua bilang top leading man ng kanyang henerasyon.
Pahayag niya tungkol dito, “Grateful and masaya ako kasi ang tagal kong hinintay itong nangyayari sa akin ngayon.
“Pagkatapos ng pandemic, pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, ito ang nangyayari sa akin ngayon.
“Finally, nandirito na ako uli and I’m happy.”
Bilang patunay nito ay isa siya sa bida sa kauna-unahang collaboration project ng GMA-7, ABS CBN, at Viu, ang Unbreak My Heart, kung saan kasama niya sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Gabbi Garcia.
Proud at masaya si Joshua sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para maging bahagi ng proyektong ito.
Saad niya, “Masaya lang ako, sobrang saya ko. I feel honored and blessed to be here in this project. I hope na hindi lang ito ang magawa ko sa collaboration na ito.
“I’m grateful to be part of this historical event and partnership, masaya lang. Ine-embrace ko na lang na parte ako nito.
“Nung una, kinakabahan ako, siyempre nae-excite ako. Pero ngayon, masaya na lang ako, ine-embrace ko na lang kung ano ang nangyayari sa akin.”
SENSUALITY WORKSHOP
Pinag-uusapan din ang kissing scenes ni Joshua kina Jodi at Gabbi sa Unbreak My Heart. Labis ang pasasalamat ng aktor kay Jodi sa tiwala nitong gawin nila ang eksena.
“Ako, nagpapasalamat ako sa direktor and kay Ate Jodi kasi pinagkatiwalaan niya ako, kasi pareho naming first time ginawa yung eksena na yun.
“Sa tulong ng pagtitiwala niya and pagdirek ni Direk [Manny Palo], mas naging madali para sa amin.”
May pagkakaiba ba ang atake ni Joshua sa kissing scenes niya kina Jodi at Gabbi?
Saad ng Kapamilya actor, “With Jodi, mas passionate, mas mabagal, mas ramdam.
“With Gabbi, passionate din naman, pero yung tugma naman sa edad namin. Medyo may diin nang kaunti.”
Ayon kay Joshua, malaki ang naitulong ng sensuality workshop sa paggawa ng mga kissing scene at maseselang mga eksena.
“Yung sensuality workshop, para sa akin, sana ma-experience ng lahat ng actors na gagawa ng mga sensual scenes.
“Kasi kaming mga actors, may tendency kami na pag masyado naming napi-feel ang emotions namin, sumosobra kami sa boundaries ng isa’t isa.
“Itong sensuality workshop, ito yung parang alam ninyo ang mga limits niyo, boundaries niyo, at kung ano lang ang kaya niyong ibigay.”
Sa istorya ng serye ay magkakaroon ng relasyon sina Joshua at Jodi.
Sa tunay na buhay, may posibilidad kayang ma-in love si Joshua sa isang babae na mas matanda sa kanya.
Tugon ng aktor, “Oo naman, ako kasi 25 years old, turning 26. Naghahanap na ako ng mas deeper connection, deeper emotionally, alam mo yun?
“Parte na yung pagiging masaya, exciting, love part, pero mas deeper connection na yung hinahanap ko.”
Sa ngayon ay wala raw girlfriend ang Kapamilya actor at ine-enjoy muna niya ang pagiging single.
“Masaya ako ngayon, in love ako sa trabaho ko ngayon, very in love. Just working on myself,” sabi ni Joshua.
News
VIRAL VIDEO: Ang diskriminasyon ng ina ni Gerald Anderson kina Bea Alonzo at Julia Barretto. Bakit mas pinili si Julia?-n
Tila nagiging mas matatag ang kagustuhan ni Kapamilya actor Gerald Anderson na bigyang katuwang ang kanyang ina, si Evangeline, na humihiling ng apo mula sa kanya at sa kanyang kasintahang si Julia Barretto. Kamakailan, umusbong ang isang video clip sa…
VIDEO: Kobe Paras reveals the reason he partnered with Smart Communications was because…
Kobe Paras, known for his basketball talent and vibrant personality, has officially joined Smart Communications, a major milestone in his post-sports career. While this partnership alone is big news, what adds a fascinating layer to the story is that Kobe’s…
Kath: “Lagi kong iniisip that forgiveness or second chances isn’t an obligation”-n
Parehas na naniniwala sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa ideya ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon o second chance. Sa ginanap na grand mediacon ng Hello, Love, Again nitong Huwebes, October 17, 2024, natanong ang dalawa kung naniniwala ba silang maaari pang magbago ang isang taong nakagawa…
Dasuri confirmed his involvement in the breakup of Mavy Legaspi-Kyline Alcantara, shocking the media-n
On her YouTube channel on Saturday, February 24, the Philippine-based entertainer whose real name is Dasuri Choi answered questions pertaining to her relationship with Legaspi after they were seen together on multiple occasions, including in an Instagram video of the…
Is Julia Montes Pregnant? The Truth Behind The Rumors-n
Is Julia Montes Expecting Another Child from Coco Martin? In recent weeks, the question on everyone’s lips has been, “Is Julia Montes pregnant?” This query has sparked widespread speculation and curiosity among fans of the talented actress. As a prominent…
LAGOT NA! Kathryn Bernardo, ISINAPUBLIKO na ang DAHILAN ng HIWALAYAN nila ni Daniel Padilla!
# LAGOT NA! Kathryn Bernardo, ISINAPUBLIKO na ang DAHILAN ng HIWALAYAN nila ni Daniel Padilla! In a shocking turn of events that has left fans of the beloved KathNiel tandem reeling, Kathryn Bernardo has publicly revealed the reason behind her…
End of content
No more pages to load