Nilinaw ni Joshua Garcia na walang katotohanan ang espekulasyong may lihim na relasyon sila ni Alexa Ilacad.
Si Alexa ay ka-love triangle nina Joshua at Janella Salvador sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride.
Napapangiting sabi ni Joshua tungkol kay Alexa, “Actually, may mga nakikita akong tweet about sa kanya.
“And kami mismo, sinabi ko sa kanya, ‘Alam mo bang pinagtitripan tayo sa Twitter? Na sinasabi na tayo?’
“Ta’s kami, pinagtatawanan namin, pati na nina Janella.”
Sadyang “close lang” daw sila ni Alexa.
“Siyempre nagkatrabaho na kami sa The Good Son,” tukoy ni Joshua sa Kapamilya prime-time series na pinagbidahan niya mula September 2017 hanggang April 2018.
“And dito, may gusto siya sa akin. So, mas makakatulong siguro kung mas close kami sa isa’t isa.
“Lahat naman ng cast ka-close namin. Kaya siguro nagagawa namin nang maganda yung mga eksena namin.”
JUST A FALSE RUMOR
Walang ilangan at kumportable lang daw talaga sila ni Alexa sa isa’t isa.
“Oo, ang hirap naman na basta ka na lang sasalang dun nang wala kang interaction sa tao,” nakangiting sabi pa rin ni Joshua.
“Pero yung dun sa about kay Alexa, wala yun.
“Kayo talaga, ang dudumi ng isip niyo.”
Base ito sa panayam kay Joshua ng Random Republika sa birthday celebration ng Kapamilya actor na inorganisa ng kanyang solid fans noong October 6.
Noong October 7, pinabulaanan din ni Alexa ang isyung may namamagitan sa kanila ni Joshua.
Nag-ugat ito sa Instagram comment ng isang netizen na siya ay “low-key girlfriend” ng aktor.
Pero direktang nag-reply si Alexa na katawa-tawa raw ang pilit na pag-uugnay ng netizen sa kanila ni Joshua.
ON BEING SINGLE
Sa pagpapatuloy ng panayam kay Joshua, maaliwalas ang mukha ng binata nang sabihin niyang single at loveless siya ngayon.
Paliwanag niya, “Hindi ko na nararamdaman sa dami ng ginagawa ko. Ayoko muna mag-focus sa love life.
“Sabi ko sa sarili ko, bago ako pumasok sa isang relasyon, e, matutunan ko muna mahalin yung sarili ko.
“Kumbaga, kailangan ma-master ko muna yung sarili ko bago yung iba.”
BREAKUP WITH JULIA
Huling nakarelasyon ni Joshua ay ang dating ka-love team niyang si Julia Barretto.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 4, 2019 ay diretsahang inamin ni Joshua na tinuldukan na nila ni Julia ang mahigit dalawang taon nilang relasyon.
Kasunod nito ay nasangkot ang ex-couple sa kontrobersiyal na hiwalayan din ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Sa kasagsagan ng isyu, naiulat ang pag-like ni Joshua sa matalinhagang Instagram post ni Bea tungkol sa sakit na pinagdadaanan ng huli noon.
May ipinost din si Joshua na tila matalinhagang Instagram Stories kunsaan may written text siyang “I’m mute.”
Sinundan pa niya ito ng screenshot ng eksena mula sa series na Money Heist na may subtitles na “You will move on to someone better than me.”
Maliban doon, ang tanging sinabi ni Joshua ay maayos ang hiwalayan nila ni Julia, at hindi na nagsalita pa ang binata sa ibang intrigang kinasangkutan ng dating nobya.
News
Andrea Brillantes and Chloe San Jose’s “attention-grabbing move” on IG
Chloe San Jose Could Not Help but Leave a Comment on Andrea Brillantes’ New Instagram Post Recently, fans have taken notice of an adorable interaction between Chloe San Jose and Andrea Brillantes on Instagram. Andrea Brillantes, the well-known actress with…
The Best Reactions to Nadine Lustre and Christophe Bariou’s Pre-Valentine Date at the Derma
Valentine’s Day is just around the corner and if you’re looking for a sign to treat your partner (or yourself—self-love is still love, after all!), take cues from Nadine Lustre and her beau Christophe Bariou, who just had an Aivee Clinic date to prep for…
Nadine Lustre and her future husband have just launched a new “wine” on the market
Nadine Lustre continues her path as an entrepreneur with the launch of her wine brand with her boyfriend, Christophe Bariou. Maison Bukana Wines, named after Bariou’s resort in Siargao, is marketed as a brand that is “born in French vines”…
How Nadine Lustre “does charity” in Siargao
Residents impacted by the devastating impact of Typhoon Odette are slowly restarting to rebuild their lives. A lot of celebrities have used their platform to help the typhoon victims, from Cebuano couple Kryz Uy and Slater Young to Siargao-based vloggers Philmar Alipayo and Andi Eigenmann. Today though,…
Nadine Lustre’s reaction when she learned that her boyfriend “cheated”
Hindi nakapagtimpi ang award-winning actress na si Nadine Lustre na sagutin ang netizens na pinaparatangang cheater ang French boyfriend niyang si Christophe Bariou. Sa Instagram nitong Linggo, August 20, 2023, dalawang netizens ang magkasunod na sinagot ni Nadine nang magkomento ang mga ito…
HOT: Nadine Lustre burst into tears when “revealing the truth” about her ex-boyfriend James
Nadine Lustre tried to hold back tears as she credited her boyfriend and onscreen partner James Reid for changing her for the better, and for her “healing.” The “Ulan” star opened up about her three-year relationship with Reid in the…
End of content
No more pages to load