Joshua Garcia cùng đồng đội cũ và bạn gái Julia Barretto.

Mainit pa ring pinag-uusapan ang mga sinabi ng aktres na si Liza Soberano tungkol sa love team culture na umiiral sa Philippine showbiz.

Sa panayam kay Liza ng South Korean singers na sina Ashley Choi at Peniel sa Get Real podcast ay naglabas ng hinaing si Liza sa pressure na dala ng pagkakaroon ng love team.

Paliwanag ni Liza, “We’re supposed to be a real couple on and off cam, and we only work with each other for our whole career.”

Nakatambal ni Liza noon ang fellow Kapamilya actor na si Enrique Gil.

Matagumpay ang tambalan nina Liza at Enrique na tinawag na LizQuen ng kanilang mga tagahanga.

Pipila na ba ulit? Joshua Garcia says he is single | ABS-CBN News

Naging from reel to real din ang relasyon nina Liza at Enrique na ikinatuwa at kinakiligan siyempre ng fans.

Bagama’t hindi na aktibo ang LizQuen ay going strong pa rin naman daw ang relasyon ng dalawa.

Ito ay sa kabila ng haka-haka na naghiwalay na ang dalawa dahil focus ni Liza na matupad ang kanyang pangarap na mapasok ang Hollywood.

Dagdag na kuwento ni Liza, “In love teams, you’re expected to just be with that one person throughout your career and in your personal life and, like, people don’t wanna see you aside with another male actor or any other male in general.”

Tropang Joshua_Barcelona🇪🇸 (@TropangJoshua_M) / X

May mga pumuri at sumang-ayon sa pahayag ni Liza. Napakatapang daw nito na ipahayag ang saloobin at punahin ang matagal nang kultura at formula ng love team sa Philippine showbiz.

Meron din namang nainis at pinaratangan si Liza na walang utang na loob at walang pagpapahalaga sa biyaya na tinamasa nung panahon na sikat na sikat ang LizQuen.

GO WITH THE FLOW

Isa ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa nakinabang sa pagkakaroon ng love team.

Sino ang makakalimot sa matagumpay na tambalan nila ng aktres at ex-girlfriend na si Julia Barretto?

Taong 2019 nang magwakas ang JoshLia love team kasabay ng paglabas ng balita na nagkahiwalay na ang dalawa bilang magkasintahan.

May last year nang maiulat na magkakaroon ng reunion movie under Black Sheep Productions sina Julia at Joshua.

Kamakailan lang ay nag-guest si Joshua sa PEP Live at bahagyang napag-usapan ang tungkol sa love team culture.

Video: Rommel Llanes (live stream producer), Nikko Tuazon (host).

Detrimental nga ba sa career growth ng isang artista ang pagkakaroon ng constant screen partner?

Sa palagay ni Joshua ay “hindi naman.”

Dagdag nito, “Iba-iba naman especially ‘pag magkarelasyon sila, di ba? Ano yan parang nakakapag-work sila and they can play din at the same time.

“Hindi sila nalulungkot sa trabaho kasi kasama nila yung partner nila.

“Hindi lang partner sa trabaho, partner pa sa totoong buhay. Sobrang inspired sila magtrabaho nun, ganado yun.”

Looking back, never naman daw naging issue kay Joshua ang may kapareha sa mga ginawang proyekto.

“Ako kasi yung tipo ng tao na sasabayan ko lang yung agos ng karera ko,” bulalas ni Joshua.

“Simula nung nagsimula ako, wala akong tinanggihan na proyekto. Dire-diretso lang yung agos na yun, sinabayan ko lang, hindi ko sinalubong.”