Joshua Garcia wants to clear the air with Gerald Anderson: “Ang hirap nung may ka-awkward-an.”
Gustong makausap nang masinsinan ni Joshua Garcia, 22, ang kapwa Kapamilya actor na si Gerald Anderson, 31.
Sinabi ito ni Joshua sa isang segment ng Cinema News At Home Edition, ang showbiz talk show ng cable channel na Cinema One, noong Biyernes, August 28.
Isang fan ang nagtanong kay Joshua kung sino ang gusto niyang makausap nang no-holds barred ngayong lockdown.
Nagulat ang fan, maging ang host ng show na si Bianca Gonzalez, nang sabihin ni Joshua na si Gerald ang taong yun.
Pahayag ni Joshua, “Siguro si Kuya Gerald, pero hindi online, hindi ko kailangang i-online.
“Siya—kasi na-realize ko nung quarantine, nung nag-lockdown, ang hirap, ang liit ng industriya namin. Ang hirap nung may ka-awkward-an.
“Ang ginawa ko, tinext ko siya, sabi ko, ‘Bro, Joshua ito. Gusto ko lang maging honest, lahat.’
Patuloy ng young actor, “Hanggang dun lang ang kaya kong ibigay na text. Para ma-clear lang yung air sa lahat ng nangyari.
“Nahihirapan akong gumalaw, parang ganun yung feeling.
“Yun yung isa sa na-realize ko nung quarantine, nung lockdown—ang hirap nung may ka-awkward-an ka. Nagka-issue kayo, ganyan.”
Ayon kay Joshua, naging totoo lang siya sa pagsagot sa tanong ng Cinema News At Home. Pero siniguro rin niya sa interview na wala siyang problema kay Gerald.
“I’m being honest lang, ha, kasi ako wala naman akong kaso sa kanya. Ako, sobrang cool na ako sa kanya. Ako, okay na ako sa kanya.
“Kuya ko kasi siya, same handler kami.”
Nasangkot sina Joshua at Gerald, parehong talents ng Star Magic, sa isang malaking kontrobersiya noong 2019.
Si Gerald ang naiturong dahilan ng breakup ni Joshua at ng girlfriend niyang si Julia Barretto, 23; at si Julia naman ang naiturong third party sa hiwalayan ng magkasintahang Gerald at Bea Alonzo, 32.
Parehong itinanggi nina Gerald at Julia—na nagkatambal sa pelikulang Between Maybes—ang mga paratang sa kanila.
Makalipas ang mahigit isang taon, hindi pa rin namamatay ang pag-uugnay kina Gerald at Julia. Malakas ang bulung-bulungang may namamagitan sa kanila.
WORKING WITH JULIA AGAIN
Samantala, muling nagkatrabaho sina Julia at Joshua sa Star Cinema digital series na Love Unlock, kung saan tampok sila sa episode na “E-numan.”
Ayon kay Joshua, hindi niya akalaing magkakatambal agad silang muli ng ex-girlfriend.
Huli silang nagkasama sa zombie movie na Block Z, na ipinalabas noong January 29, 2020.
“Hindi ko in-expect na agad-agad na magkaka-work kami agad.
“Maliit lang ang industriya, magkakatrabaho at magkakatrabaho kami. Pero hindi pa ngayon.
“Feeling ko, bibigyan pa kami ng project next year or next, next year. Hindi ko in-expect na ngayon din agad.
“Sa akin naman, wala namang kaso, kasi okay naman kami ni Julia. Wala naman kaming problema.”
Ibinahagi rin ni Joshua ang mga challenges sa paggawa ng isang proyekto sa gitna ng pandemiya.
“Mahirap, putol-putol. Kung kaya naming idiretso na walang nagkakamali, madali. Kung may nagkamali, ulit.
“Mahirap, kasi parang dalawang camera—webcam, then phone.
“Then, kami rin audioman, parang kami lahat gagawa. Kami rin aarte.
“Halos hindi na kami nakapagkumustahan. Work lang talaga.
“Pero bilib ako, kasi siyempre we survived. Natapos namin.
“Very creative kami that time. Nag-quarantine, bahay-bahay lang lahat.”
Kuwento pa ni Joshua, pagkatapos ng shoot nila ni Julia ay tinext din niya ang kapareha.
“Tinext ko agad si Julia, sabi ko, ‘Nice to see you. Thank you for today, tapos ingat kayo ng family mo.’
“Nag-reply lang siya ng ‘Thank you.’ Sabi ko, ‘Maganda, masaya episode.’”
JOSHUA ON LOVE
May isang linya si Julia sa Love Unlock kung saan sinabi nitong “ang love ay parang pagwawalwal, nakakapagod din.”
Sang-ayon ba si Joshua dito?
Tugon niya, “Depende kung nasa anong klaseng relationship mo nung panahon na yun.
“Nakakapagod siya kung three years na kayo, ‘tapos parang toxic na relationship. Away kayo nang away, selos nang selos. Nakakapagod yun.
“Kung healthy relationship niyo, maayos kayong nag-uusap, may bonding kayo, hindi naman kayo aabot sa mapapagod kayo.
“Sa relationship part yun, e, part yun sa dadaanan ninyo talaga. Nasa inyong dalawa kung makaka-survive o hindi.”
Ano ang pinaka na-miss niya kay Julia?
Sabi ng aktor, “Ang na-miss ko kay Julia, yung presence niya.
“Iba rin naman ang feeling kapag may karelasyon ka, kapag may dyowa ka. Sarap kaya nun.
“Yun talaga, yung presence. Yung feeling na may kasama ako sa lahat ng ginagawa ko. Parang team.”
News
A collision of fates: Julia Barretto and Joshua Garcia
A collision of fates: Julia Barretto and Joshua Garcia In the Philippines, love teams are a dime a dozen. Television networks and talent agencies churn out the same tired formula, fueled by the masses’ penchant for romance: pair two good-looking…
Sanya Lopez Chooses Joshua Garcia Over Alden Richards, Here’s Why
Sanya Lopez was made to choose between these two actors Kapuso actress Sanya Lopez chose Kapamilya actor Joshua Garcia over Asia’s Multimedia Star Alden Richards and this is the reason behind this. Sanya is one of the most prominent actresses of her generation in GMA. She…
Joshua Garcia, bet maka-date ni Sanya Lopez
Sumalang si Kapuso actress Sanya Lopez sa “Pick and Talk” ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Nobyembre 2. Ang kailangang gawin, pipili siya sa pagitan ng dalawang aktor na lilitaw mula sa LED screen at ipapaliwanag ang…
HOT: Sanya Lopez LOVE Joshua Garcia
Sanya Lopez interesado kay Joshua Garcia Bet ni Sanya Lopez na makilala nang personal si Joshua Garcia. Interesado si Sanya Lopez na makilala si Joshua Garcia. Nang sumalang nitong Huwebes sa ‘Fast Talk With Boy Abunda, dalawang beses pinili ni…
Joshua Garcia Reveals Real Reason Behind Excessive Weight Loss
Reason Why Joshua Garcia Loss A Lot of Weight During Lockdown JOSHUA GARCIA – The young Kapamilya actor revealed the real reason behind his excessive weight loss. The COVID-19 pandemic has affected the lives of all people even the celebrities…
Goshua Garcia reveals terrifying secret while filming “Just Like You”
Goshua Garcia reveals terrifying secret while filming “Just Like You” Six years after joining Pinoy Big Brother as one of the housemates of the All In edition, wherein he was introduced as the “Tatay’s Boy ng Batangas”, Joshua Garcia has indeed incredibly…
End of content
No more pages to load