Burado na ba sina Julia Montes at Nadine Lustre sa cast ng Kapamilya primetime series na Burado?

Ayon sa source ng PEP Troika, si Arci Muñoz na ang isa sa mga bidang babae rito, at pinagpipilian kung sino ang isa pang aktres.

Matatandaang pinangunahan nina Julia at Nadine ang storycon ng teleseryeng Burado noong Pebrero 10.

Nasa storycon din ang tatlong leading men na sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

Did Julia Montes and Nadine Lustre Back Out of 'Burado' Project? - When In  Manila

Present din sa storycon ng Burado sina Lotlot de Leon, Raymond Bagatsing, Carmi Martin, Ina Raymundo, Joko Diaz, McCoy de Leon, Kokoy de Santos, at Javi Benitez.

Ipoprodyus ito ng Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal.

Maliban sa Pilipinas, planong kunan ito sa Thailand, India, at Cambodia.

Ito ang comeback ni Julia Montes sa paggawa ng teleserye, kaya excited ang kanyang fans.

Namamayagpag sa ratings ang panghapong action-drama ni Julia na Asintado nang tapusin ito noong Oktubre 2018.

Burado' bows out due to pandemic | ABS-CBN News

Mula noon ay matagal-tagal na nagpahinga sa showbiz si Julia.

Nagbida si Julia sa weekly series na 24/7 na nag-premiere noong Pebrero 23.

Nakaapat na episodes lang ito sa ere dahil sa ipinatupad na community quarantine sa NCR at mga kalapit-lalawigan.

GORGY RULA

Ang latest na nasagap ko, baka bandang July na raw mag-taping angBurado, at marami na ang nabago sa casting.

Wala na sa listahan sina Nadine at Julia, at si Arci na ang kapalit.

Pero wala pang napagdedesisyunan kung sino ang isa pang aktres na gaganap sa isang babaeng bida.

Kabilang na sa cast sina Cherry Pie Picache, Tonton Gutierrez, JC Santos, at Ronnie Lazaro.

So far, wala pa namang teleserye na nagsisimula at nasa planning stage pa lang.

Malamang na ang FPJ’s Ang Probinsyano ang maunang mag-roll, at iyon daw ang hinihintay ng ibang produksiyon.

Kung mairaraos ito ng teleserye ni Coco Martin, maaaring magsunuran na ang iba.

Sa totoo lang, hindi talaga natin alam kung ano ang magiging resulta nito sa guidelines at safety protocols na kailangang sundin.

Malaking risk ito sa lahat.

Kahit nasa GCQ na tayo, ang dami pa ring nagpopositibo sa COVID-19.

Kaya kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.

Maraming mga pagbabago sa mga teleserye at iba pang panoorin ngayon.

Nag-iiba ang landscape. Mahirap mapag-iwanan.

Nandiyan ang digital, at sa pagpasok ng Kapamilya Channel sa cable, maraming posibilidad ito.

Puwedeng mag-team up ang ABS-CBN group ng mga Lopezes with Cignal ni MVP! Maiiba ang playing field!

Kaya nawala man sina Julia at Nadine sa Burado, pwedeng mai-cast sila sa ibang platforms na magbubukas. Marami tayong aabangan!