Kris Aquino accused Mark Levisite of publicizing their relationship without her consent, revealing the reason
Tila pumalag si Kris Aquino sa pagsasapubliko ni Batangas Vice Governor Mark Leviste tungkol sa kanilang gumagandang relasyon nila.
Sa Instagram ngayong araw, June 19, 2023, ibinahagi ni Kris ang saloobin sa hindi niya direktang tinukoy na isyu para sa kanyang “peace of mind.”
Hindi man niya pinangalanan si Mark, malinaw na ito ang kanyang pinatatamaan base na rin sa kanilang parehong linyahan.
Paglilinaw ni Kris, walang consent niya ang pahayag ni Mark tungkol sa “our happy and full of love relationship.”
Nag-a-adjust pa lamang daw sila sa isa’t isa at hindi rin maiiwasang magkaroon sila ng “unavoidable conflicts.”
Umaasa rin daw si Kris na maayos pa ang kanilang “differences,” bagamat napagtanto niya ang “lack of wisdom” sa pagpasok sa panibagong relasyon habang sumasailalim siya sa treatment para sa kanyang automimmune diseases.
Saad ni Kris, “For my peace of mind, just the facts: without my knowledge or consent, someone spoke about what’s supposed to be his ‘taking care of me in LA’ plus ‘our happy and full of love relationship’ – yet just like any new relationship many couples will easily identify, we are still adjusting to each other’s already set habits & ways.
“Recently there have been unavoidable conflicts. I don’t believe in presenting a happy picture when that’s not quite our current reality.
“I’m hopeful we can still work through our differences, though a part of me realizes the lack of wisdom in embarking on a relationship while undergoing treatment.”
Sa panayam kay Mark sa TeleRadyo noong June 16, sinabi niyang going steady sila ni Kris at maligayang nagpapalipas ng mga araw sa Los Angeles.
Kahit abala siya sa kanyang trabaho, naisisingit pa rin daw niya ang kanyang love life.
Aniya, “A happy vice governor makes a happy province.
“O, di ba? Kailangan meron tayong pinaghuhugutan ng inspirasyon at ligaya.”
Nang usisain tungkol sa detalye ng kanyang buhay pag-ibig, naikuwento ni Mark na kasalukuyan siyang nasa Los Angeles at inaalagaan si Kris.
Aniya, “I’m here right now in Los Angeles, taking care of her, keeping her company, while her son Bimby is back home in Manila.”
BIMBY STARTS REBUILDING RELATIONSHIP WITH JAMES YAP?
May happy note naman si Kris kahit ayaw niyang magbanggit ng pangalan dito dahil “maraming pinagdaanan, maraming hindi pagkakaunawaan.”
Ayaw raw niyang matulad sa kanyang childhood ang anak na si Bimby, na lumaki nang hindi kapiling ang ama, kaya hahayaan niya raw itong i-rebuild ang relationship nil ng amang si James Yap.
Ani Kris, “On a happier note: no names shall be named BUT it will be easy for you to figure out… maraming pinagdaanan. maraming hindi pagkakaunawaan pero ayokong masabi na pinipigilan ko si Bimb… my own childhood was fatherless because of Martial Law so why’d i subject my bunso to the same fate?”
Sabi pa ni Kris, walong taong gulang pa lamang si Bimby noon ay alam na nitong maaaari na siyang magdesisyon para sa kanyang buhay.
Noong 16 na si Bimby, sinabihan niya raw ang anak na kung merong taong nais makipag-ayos ay pagbigyan niya ito.
“From the time Bimb was 8, he had the freedom to decide… now at 16 I told him- ‘when someone reaches out after 7 years, and there’s a chance for PEACE, then everyone WINS.'”
Ginawa raw ni Bimby ang unang hakbang sa mismong Father’s Day, June 18.
“Yesterday Father’s Day, my bunso made me proud – he’s had the number to contact for almost a week, and the reluctance was so real, yet he took the 1st step towards rebuilding a relationship that I know will require some time to repair PERO ang mahalaga ay nagsimula na…”
Huling nagkasama sa isang public gathering sina Bimby at James noong libing ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Manila Memorial Park noong June 26, 2021, pero hindi daw nakalapit si James sa anak at nasa likod lamang ito.