Kylie not affected by bashing amid rumor that she has a new boyfriend.
Tila nakahanap na ng bagong pag-ibig ang Kapuso star na si Kylie Padilla matapos ang isa’t kalahating taon mula nang maghiwalay sila ng asawang si Aljur Abrenica.
Hindi napigilan ng ilang netizens na usisain ang Instagram Reels ni Kylie mula pa noong December 31, 2022.
Laman kasi nito ang snippets ng biyahe ng aktres sa Thailand kasama ang kanyang rumored boyfriend, na isa umanong tattoo artist.
Kasama rito ang paghu-holding hands while walking ng dalawa habang sila ay namamasyal.
Paminsang-minsan ding nasisilip ang side profile ng lalake sa mga video ni Kylie.
Sa isang Reel ni Kylie noong January 1, 2023, sabi niya: “wandering with another fellow wanderer”
Wala pang pag-amin si Kylie kung may bago na siyang pag-ibig, pero may mga netizen na tila hinusgahan na kaagad siya.
Meron din namang suportado siya sa kanyang bagong love life.
Sa isang post ni Kylie sa Instagram kagabi, January 2, 2023, may isang netizen na nagkomento na sinagot ng aktres.
Paratang ng netizen: “totoo pala sabi n aljur ikaw nmn unang lumandi… [face with tears of joy emoji]”
Ang tinutukoy ng netizen ay ang tungkol sa pahayag ni Aljur noong October 19, 2021 na si Kylie umano ang unang nagloko sa relasyon nila.
Sagot lang ni Kylie ay face with tears of joy emoji.
Mukha namang hindi matanggap ng fans ni Kylie ang tila panghuhusga sa aktres. Kaya dinipensahan nila ito sa Twitter.
Sabi ng Kylie Believers Official: “Babae na naman ang victim hays PILIPINAS nga naman nagmukha pang masama si Kylie kahit hindi naman totoo”
Tumugon naman dito si Kylie.
Sabi lang niya, “Hayaan mo na. [heart emoji]”
Unang pumutok ang hiwalayan nina Kylie at Aljur noong February 2021.
Hanggang sa inamin na mismo ng ama ng aktres na si Robin Padilla noong July 2021 na naghiwalay na nga sina Kylie at Aljur dahil diumano sa third party.