Kyline Alcantara gives safe answers when asked about Kobe Paras
Wala pa ring diretsahang pagkumpirma ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa totoong estado ng relasyon nila ng basketball player na si Kobe Paras.
Ayon kay Kyline, hanggang ngayon ay kinikilala pa nila ang isa’t isa. Ito ay sa kabila ng mga naglalabasang balita at larawan na nagbibigay-pruwebang may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng upcoming Kapuso teleserye na Shining Inheritance sa may Quezon City, noong Martes, Huly 16, 2024, nagbigay ng komento si Kyline nang muling matanong tungkol kay Kobe.
Pahayag ng 21-year-old Kapuso actress, “I feel, like, I’ve been interviewed too much about it.
“I think it’s time naman to ask him. Huwag po ako.
“Kaya, I don’t really… kaya lagi kong sinasabi na I’m not in a position to say something anything, or comment about it.
“Parang siya naman… siya dapat.”
Pero sinabi ni Kyline na maayos naman ang kanilang “friendship” ni Kobe.
Aniya, “It’s getting… of course, sa lahat naman po ng friendship, mas nagiging deeper ang relationship niyo dapat for you guys to be close friends.
“And if you guys are okay to be friends.”
IS KOBE PARAS BOYFRIEND MATERIAL?
Pero diretsahan naming tinanong si Kyline kung boyfriend material ba si Kobe.
Natatawang sagot ni Kyline, “Kobe… sinasabi ko nga sa kanya na he’s such a gentle giant. Hindi siya mukhang gentle, but he is.
Supportive din daw si Kobe sa kanyang career.
Ayon sa Kapuso actress, “All of my friends are supporting me very very well.
“Ibang klase po ang core ko ngayon. Ibang klase yung core of my friends.
“Sobrang grateful po ako sa kanila.”
Masasabi ba niyang isang happy pill ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster?
Pa-safe na sagot ni Kyline, “Of course, all of my friends. Lahat sila ay happy pills.”
What makes Kobe different sa ibang mga lalaking naging close sa kanya?
Ayon kay Kyline, “Feeling ko po, just getting to know him more, he’s very different po behind all…
“Feeling ko, same as mine, and doesn’t care or hindi lang talaga siya nagpapa-bother sa mga assumptions sa kanya, sa public, yeah.”
Kailangan pa siguro ng mahaba-habang panahon para makilala niya nang lubusan si Kobe.
Sabi ng aktres, “I’ll get to know him more. I mean, hindi ko naman talaga po siya ganun kakilala.
“Even though I’m friends with Andre [Paras, older brother of Kobe], ngayon pa lang po talaga kami nagkakasama.
“Months na rin naman po [kami magkakilala], pero siyempre, I’m busy. And siya rin po.”
Ang importante raw ay masaya ang buhay niya sa kabila ng kanyang pinagdaanan from her past relationship.
Nakangiting saad ni Kyline, “I’m so grateful po. Ngayong season sa aking buhay, I’m just so grateful po.
“There are bumps sa road, pero I’m still grateful for all those bumps.”
Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Kyline ay si Mavy Legaspi.
NOT BOTHERED BY BASHERS
Kung may mga namba-bash man sa kanya, deadma na lang daw si Kyline sa mga ito.
Aniya, “Hindi na po bago sa akin ang mga pamba-bash.
“It’s my breakfast, lunch, dinner, and may in-between snacks pa. May midnight snacks pa.
“And, yeah, sanayan na.
“My mindset right now is that I cannot control how people perceive me, or think about me. And I can’t be bothered by the things that I can’t control.
“So I just do whatever I want, and bahala na po sila.
“I mean, it’s normal naman po. Lahat naman ng emotions at nararamdaman ng isang tao ay valid.
“Pero dumating na po ako sa punto ng buhay ko na, ‘Okay, kayo. Kung anuman ang judgment niyo sa akin, I will still do my job. I will still live my life the way I want it.'”