Inamin ni Nadine Lustre na hanggang ngayon ay nagkakaroon pa rin siya ng panic attacks.

Ito raw ang dahilan kung bakit minsan ay nami-misinterpret ng ibang mga tao ang kanyang pag-uugali.

“Even until now, I still get panic or anxiety attacks.

“Kakausapin ko lang si James, siya po kasi yung biggest safety blanket,” pagtukoy ni Nadine sa kanyang boyfriend na si James Reid.

Patuloy ng 25-year-old actress, “So, kakausapin ko lang po siya, sasabihin ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.

Nadine Lustre ikinuwento kung paano siya tinuruan ni James Reid na mag-open  up - YouTube

“But there are also times na bigla na lang akong kakabahan, hindi ko po alam kung ano yung reason kung bakit bigla akong nada-down and all.

“As much as possible, I try to surround myself with people who support me and show so much love and care.

“I just communicate a lot kasi, when I was younger, that’s what I learned.

“Before, hindi po ako nagsasalita. Hindi ko po sinasabi sa ibang tao yung nararamdaman ko and, eventually, nasa loob lang po siya.

“So when the time comes na ready na siyang sumabog, naipon na siya.

“Parang mas mahirap po yung ganoon than just releasing it.

“Kasi if you will just release it, parang mas magaan na siya para sa ‘yo.

“Hindi mo na siya dinidibdib.”

Humarap si Nadine sa entertainment writers ngayong Biyernes, May 3, para sa victory presscon ng Viva Artists Agency dahil sa best actress trophy na tinanggap niya mula sa 67th FAMAS.

Nanalong best actress si Nadine para sa pagganap niya sa Never Not Love You, ang pelikula na pinagbidahan nila ni James.

Watch: Ang dahilan kung bakit napagkakamalang suplada si Nadine Lustre

SEEKING PROFESSIONAL HELP

Inamin din ni Nadine na nag-seek siya ng professional help para sa kanyang kundisyon.

Lahad niya, “Actually, a few years ago, I tried, pero parang natakot po kasi ako.

“I’m the type of person po kasi na baka… hindi naman dependent.

“Na, if in case na bigyan ako ng meds or something, ang feeling ko, hindi ko po kaya na wala na.”

Upang labanan ito, sinusubukan daw ni Nadine na palibutin ang kanyang sarili ng mga taong totoong nagmamahal at nangangalaga sa kanya.

Patuloy na pagbabahagi niya, “I think, growing up, lahat naman po ng mga kabataan, naranasan yun.

“It’s an imbalance for me.

“It goes way back, sa dad ko rin po, my grandparents, so hindi ko rin po siya maiiwasan.

“I was also home-schooled, although nagti-TVC before, and parang people would think, ‘Why would she feel insecure before na nagti-TV naman siya, may hitsura naman siya?'”

Ayon kay Nadine, “It doesn’t necessarily mean na if insecure, kasi hindi ka maganda.

“Sometimes, it’s just may emotional or merong mga pagkukulang o may mga hinahanap.

“Before po kasi, nag-home school ako, so wala po akong friends, palagi po ako sa bahay… computer.

“Meron din po akong social anxiety.

“Kapag nakikipag-usap ako sa ibang tao, parang kinakabahan ako kasi hindi po ako marunong makipag-usap.”

Napagkakamalang suplada si Nadine, pero ito ay dahil kinakabahan daw siya sa pakikipag-usap sa mga tao.

Hindi nga raw naging madali kay Nadine ang pag-akyat sa stage nang tanggapin ang kanyang FAMAS best actress trophy dahil bukod sa kabadung-kabado, hindi siya sanay magsalita sa harap ng maraming tao.