Usap-usapan ngayon sa social media kung may namamagitan ba sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara at sa basketball player na si Kobe Paras.

Ito’y matapos mapansin ng mapanuring netizens ang pagkakahawig ng larawang ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account.

Kobe Paras, Kyline Alcantara lại được phát hiện

Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyong magkasama sila at may espesyal na relasyong namamagitan sa dalawa.

Nitong Linggo, May 19, 2024, nag-post si Kyline sa Instagram ng mga larawang kuha niya, kabilang na rito ang larawan ng mga chef sa loob sa isang kilalang restaurant sa Makati City.

Kyline Alcantara and Kobe Paras spark dating rumors

Pati na ang tila inorder iyang desserts.

Kyline Alcantara and Kobe Paras spark dating rumors

Tanging smiling face with hearts emoji ang inilagay na caption ni Kyline.

Ang interior ng restaurant na ito ay nahahawig sa Instagram Stories na ipinost ni Kobe noong araw ring iyon.

Makikita rito ang picture ng nakatayong chefs sa kitchen area habang may dalawang wine glass at bulaklak sa lamesa.

Kyline Alcantara and Kobe Paras spark dating rumors

Walang kahit na anong caption na inilagay si Kobe.

NETIZENS REACT

Sa comments section ng IG post ni Kyline ay marami sa kanyang mga tagahanga ang naintriga sa magkaparehong posts nila ni Kobe.

Komento ng isang netizen (published as is), “hala are you with kobe?”

Panunukso pa ng isa niyang fan, “Wow mukhang may nagpapa inspire ngaun Kay ky.”

Saad ng isa, “I think basketball player to.”

Sabi naman ng isa, “Oks lang yan, single naman sila…lets just be happy para skanila kung meron man.”

KYLINE ALCANTARA’S PAST RELATIONSHIP

Ang Kapuso actor-TV host na si Mavy Legaspi ang huling na-link kay Kyline.

Bukas sa publikong sabihin nina Kyline at Mavy na nagsimula silang matalik na magkaibigan hanggang sa maging opisyal silang maging magkasintahan.

Ngunit noong November 2023, nabalot ng kontrobersiya ang kanilang relasyon nang mapabalitang sila ay naghiwalay na.

Hanggang ngayon ay wala pang isinasapublikong dahilan sina Kyline at Mavy kung bakit sila naghiwalay.

Ngunit nagsimulang mapansin ng netizens ang kanilang breakup nang tila magpatutsadahan online si Kyline at ang ina ni Mavy na si Carmina Villarroel, bagay na hindi nagustuhan ng ilang netizens, partikular ng mga tagahanga ni Kyline na tinawag na “mama’s boy” si Mavy.

Nadawit din ang ang co-host ni Mavy sa defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya (dating Eat Bulaga!) na si Dasuri Choi sa hiwalayan nila ni Kyline.

Si Dasuri ang itinuturong third party umano sa relasyon noon nina Mavy at Kyline.

Nag-ugat ang espekulasyong ito nang kumalat sa TikTok noong November 2023 ang video nina Mavy at Dasuri na magkasamang dumalo sa soft opening ng restaurant na pagmamay-ari ng isa sa executive producer ng Kapuso noontime show na Tahanang Pinakamasaya.

Sa video na kuha noon ng netizen, makikitang papasok sa isang restaurant sina Dasuri at Mavy, kasama ang co-hosts nilang sina Cassy Legaspi at Michael Sager.

Sa isa pang anggulo ng video, makikita namang magkatabi sina Mavy at Dasuri, gayong nasa kabilang silya naman sina Cassy at Michael.

Nabahiran ito ng malisya dahil noong mga pahanong ito ay nahaharap sa intriga ang relasyon nina Mavy at Kyline.

Hanggang noong February 24, 2024, sa pamamagitan ng vlog sa YouTube, mariing pinabulaanan ni Dasuri na may relasyon sila ni Mavy at siya ang sumira sa relasyon ng dalawa.

KOBE PARAS’S PAST RELATIONSHIP

Samantala, sa pagkakaalam ng publiko, si Erika Rae Poturnak naman ang huling naging kasintahan ni Kobe.

Mismo ang ina ni Erika na si Ina Raymundo ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Enertainment Portal) noong March 17, 2023, na hiwalay na sina Erika at Kobe.

Ito ay sa kabila ng walang tuwirang pag-amin ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Ayon kay Ina, LDR o long-distance relationship ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

“No, they’re not together,” pagkumpirma ni Ina.

Diin pa niya, “Basta wala na, yun lang. Hindi nag-work. Long distance does not work.

“It’s a mutual decision. They’re good, no bitterness, nothing.”

Noong June 2022, nang unang mapansin ng netizens na may epesyal na relasyong namamagitan kina Kobe at Erika.

Ito’y matapos nilang magbahagi sa Instagram ng mga larawan nilang magkasama habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.

Pero pagsapit ng September 2022, nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram matapos nilang magbakasyon sa California.

Nag-follow back din sila kalaunan, pero sinasabing nag-unfollow-an uli noong January 2023.

Hanggang noong June 17, 2023, muling naintrigang nagkabalikan sina Kobe at Erika nang maispatan silang magkasama sa isang airport sa Siargao.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag sina Kyline at Kobe tungkol sa napapabalita nilang ugnayan.