Nag-viral sa TikTok ang pagsasapubliko ng isang female TikToker na pinusuan umano ni Ricci Rivero ang kanyang bikini photo sa social media.

Umabot ng 2.9 million views ang TikTok video kunsaan naka-highlight ang sinasabing pag-heart ni Ricci sa photo ng di kilalang babae.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero

Ricci Rivero

Posted iyon three days ago, at maraming netizens ang nagtatanong kung ano ang magiging reaksiyon ng girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero

Andrea Brillantes, Ricci Rivero

Pero sinopla ni Ricci ang TikToker.

Kahapon, May 4, 2022, nag-Instagram Story si Ricci para bigyang-linaw ang isyu.

Kalakip ng post ni Ricci ang screenshot ng sinasabing pag-heart niya sa bikini photo.

“Lol 1st of all i would never do that 2nd it’s clearly edited 3rd mas sexy gf ko kesa sayo,” prangkang saad ni Ricci na naglagay ng iyak-tawa na emojis.

Ricci Rivero

RICCI’S RELATIONSHIP WITH ANDREA

Mag-iisang buwan pa lang magkasintahan sina Ricci at Andrea. Si Ricci ay UP Maroons player at newbie actor, habang si Andrea ay kilalang Kapamilya actress.

Nasaksihan ng UAAP fans kung paano nag-propose si Ricci na maging girlfriend si Andrea pagkatapos ng basketball game sa pagitan ng UP Maroons at FEU Tamaraws noong April 9, 2022.

Napa-“Yes” si Andrea at sila ay naging official couple.

Huling nakarelasyon ni Andrea ay ang ka-loveteam partner na si Seth Fedelin.