Dalawang assistants ang pinaligaya ni Andrea Brillantes matapos niyang regaluhan ang mga ito ng motorksilo na nagkakahalaga ng higit PHP100,000 bawat isa.
Dream come true naman ito para sa dalawang assistants na sina Ryza at Sabel, na nag-iipon talaga para sa pambili ng motor.
Si Ryza ay anak ng yaya ni Andrea na si Erna.
Ginawang content ito ni Andrea para sa YouTube vlog niya na -upload nitong February 25, 2024.
Paglilinaw ng Kapamilya actress, mula sa sarili niyang bulsa ang ipinambili at hindi sponsored ang mga motor.
“I’m not really doing this for content lang. Naisip ko lang na i-film ko na lang din siya kasi memories din to for me, and Ate Sabel, and Ryza,” sabi ni Andrea.
ANDREA’S ASSISTANTS
Nagbahagi ng background ang aktres tungkol sa kanyang dalawang assistants.
“Si Ryza, siya yung daughter ni Ate Erna. Si Ate Erna naging yaya ko na since ano ako four years old,” paliwanag ni Andrea.
Gaya ng kanyang ina, namasukan na rin si Ryza bilang kasambahay kina Andrea para makapag-ipon.
Paliwanag ni Andrea, “Si Ate Erna talaga yung naghe-help dito sa house, pero yung daughter niya na si Ryza decided to help her here sa house.”
Si Sabel ang isa pang assistant ni Andrea.
“…naging yaya ko siya na bagets din ako, siguro six o five [years old].
“Si Ate Sabel naman a couple of weeks ago, lumapit sa akin sa mga papeles kasi may inaasikaso siyang loan para sa motor niya.”
Banggit ni Andrea, “Close talaga ako sa mga PAs [personal assistants] ko at saka sa mga helpers ko, e. I really love them.”
PRANKING THE ASSISTANTS
Ginawang mas makulay ni Andrea ang pagbibigay ng regalo kina Ryza at Sabel nang idaan niya ito sa prank.
Sa kaso ni Ryza, nagpanggap si Andrea na paalis na siya para sa isang appointment.
Sasakay siya sa kanyang kotse na naka-park sa harap ng kanilang bahay, subalit may nakaharang na motorsiko.
Tinawag niya si Ryza at inutusang magtanung-tanong sa mga kapitbahay kung kanino ang motor na nakaharang.
Makalipas ang ilang saglit, sinorpresa ni Andrea si Ryza at sinabing sa kanya ang motor.
Naiyak si Ryza, gayundin ang ina niyang si Erna.
Sinabi ni Erna na PHP50,000 pa lang ang naiipon ng kanyang anak dahil ang motor na pinag-iipunan nito, tulad ng iniregalo ni Andrea, ay nasa PHP100,000 ang presyo.
Sinabi ni Andrea na itago na lamang ni Ryza ang naipon nito.
Sumundot si Erna at sinabing ilalaan ang naipon ng anak na si Ryza para sa tuition nito.
Habang nangyayari ito, nakunan sa camera ang isa pang assistant ni Andrea na si Sabel at nagbiro na nainggit siya kay Ryza.
Wala siyang kamalay-malay na siya naman ang susunod na bibigyan ng motorsiklo.
Ang delay sa pagbibigay sa kanya ng motorsiklo ay bahagi pa rin ng prank ni Andrea.
Sa araw na iyon, kunwari ay pupunta si Andrea sa motorcycle store para kunin ang resibo ng motor ni Ryza. Isinama niya si Sabel.
Alam ni Andrea na masama ang loob ni Sabel dahil hindi siya binigyan ng motor. Nag-message ang huli sa ate ng aktres.
Tahimik bumiyahe ag dalawa papuntang shop.
Pagdating nila, kunwari ay ipi-fill out ni Andrea ang form para sa nakuhang motorsiklo ni Ryza.
Iniabot ng aktres ang form kay Sabel. Dito niya sinabi kay Sabel na bibigyan din siya ng motor.
Naiyak si Sabel.
Tulad ng kay Ryza, ang modelo ng motorsiklong ibinigay kay Sabel ay nagkakahalaga rin ng higit PHP100,000.
News
Nadine Lustre “picks up other people’s trash”.
Yesterday, Nadine Lustre was onboard a RORO (roll-on/roll-off ship that transports vehicles) where she caught someone “throw paper and plastic wrappers out their van’s window.” Tsk tsk! The actress posted on Instagram Stories, “I picked it up, knocked on the door, and asked…
HOT: Nadine Lustre suddenly received a “strange object” while performing on stage
Nadine Lustre made rounds on Twitter on April 9, Saturday, after she performed for the campaign rally of presidential candidate Leni Robredo and her running mate Kiko Pangilinan in Pampanga. After singing her song “Paraparaan,” a fan got up on stage to hand her a bottle…
Nadine Lustre Reveals She Used To Take Glutathione After Being *Discriminated* At Auditions For Her Skin Color
It’s no secret that Nadine Lustre is one of the most sought-after actresses today. At just 29 years old, she has received numerous accolades for her acting projects, and has also ventured into singing and dancing. Before she achieved leading lady status,…
Suddenly, Nadine Lustre was asked by an actor to work with him, who had been accused of “abuse and violence”.
Tony Labrusca has worked with a lot of actresses in his career, from Angel Aquino in Glorious, Heaven Peralejo in Bagong Umaga, to Julia Barretto in I Am U. He’s also set to star in a film with Jane Oineza within the year. Speaking to ABS-CBN News, the actor expressed his interest in…
HOT: Nadine Lustre was caught by netizens riding a “tricycle” in Siargao
Remember when Nadine Lustre wowed her fans when she was captured buying lechon sauce while looking au naturel? Well, it looks like that viral moment has a part two only that this time, it happened during a tricycle ride in Siargao. On…
Netizens dug up an old video of Iza Calzado saying he would “steal Nadine Lustre’s lover”
the internet was *on fire* after James Reid and Issa Pressman posted pics showing they attended Harry Styles‘ Love On Tour concert together. In one of their photos, the two are seen holding hands, making them the most recent couple to hard-launch their relationship on Insta. The Careless Music stars were…
End of content
No more pages to load