marian rivera louis vuitton đồ ngủ

Kapuso Primetime Queen Marian Rivera’s guesting on the pilot episode of Fast Talk With Boy Abunda trended on Twitter not only for her timeless beauty but also for her Louis Vuitton painted dots pajama outfit.
PHOTO/S: GMA NETWORK / @MARIANRIVERA ON INSTAGRAM

“Nasaan ang hustisya?”

Ito ang tanong ng mga nakapanood sa guesting ni Marian Rivera sa pilot telecast ng Fast Talk with Boy Abunda, ang bagong showbiz-oriented talk program ni Boy Abunda sa GMA-7, ngayong Lunes ng hapon, January 23, 2023.

Read: Marian Rivera, nagalit nang sabihan siya noon ni Dingdong Dantes ng “Siguro naka-prepaid ka lang”

“Nasaan ang hustisya?” ang tanong nila dahil magandang-maganda si Marian, kahit pajama lang ang suot nito.

Para sa mga karaniwang tao, “pajama lang” ang suot ni Marian.

Pero sa mga nakakaunawa sa fashion, alam agad nilang Louis Vuitton ang high-end brand ng painted dots pajama outfit ng Primetime Queen ng Kapuso Network.

Collaboration at collection ng Louis Vuitton at ng 93-year-old Japanese contemporary artist na si Yayoi Kusama ang kasuotan ni Marian.

Nagkakahalaga ito ng US$2,320.00 o P126,434.20 sa Philippine currency.

louis vuitton pajama

May nakakaaliw na kuwento tungkol sa damit ni Marian na akmang-akma sa Chinese New Year celebration at sa guesting niya sa show ni Boy.

Nabanggit ni Marian sa isang kausap nito na nagtaka ang kanyang anak na si Zia nang makita nito ang suot niya.

Tanong ni Zia: “Mommy, di ba, may taping ka today? Why are you wearing pajamas?”

At any rate, hindi lamang ang pajama-inspired outfit ni Marian sa Fast Talk ang napansin ng televiewers dahil ikinatuwa nila ang kumpirmasyon ng aktres na magiging aktibo na uli ito sa paglabas sa telebisyon.

“Sa work, talagang hinahanap ko na rin talaga kaya abangan niyo po ang pagbabalik ko ngayong 2023. Itong year na ito. Totoo na po ito,” pahayag ni Marian kay Boy, na nilinaw na 2023 at hindi 2024 ang pagbabalik ni Marian sa primetime television.