Team Heart ng ‘Unbreak My Heart,’ nanalo ng PhP200,000 jackpot prize sa game show na ‘Family Feud.’
Bago ang pagsisimula ng pinakaaabangang serye na Unbreak My Heart, nakisaya at nakipagkulitan ang ilang cast ng serye sa Family Feud.
Courtesy: GMA Network and Family Feud
Isang special episode ang napanood ngayong Lunes, May 29, sa naturang GMA game show kung saan napanood na nahati sa dalawang grupo ang mga bisita ng programa.
Ang grupong Unbreakable ay kinabilangan ng isa sa lead stars ng serye na si Joshua Garcia at kanyang co-stars na sina Will Ashley, Bianca De Vera, at Jeremiah Lisbo.
Courtesy: GMA Network and Family Feud
Ang isa namang grupo ay tinawag na Team Heart, kung saan napabilang sina Nikki Valdez, Maey Bautista, PJ Endrinal, at Mark Rivera.
Nang kumustahin ng host ng game show na si Dingdong Dantes si Joshua, may cool na pa-challenge pa siya sa aktor.
Pina-deliver ni Dingdong kay Joshua ang sikat na linya ng show na “Ano ang sabi ng survey?” at ginawa ito ng aktor na mayroong iba’t ibang emosyon.
Ramdam ang kilig at saya ng audience nang marinig nila ang boses ni Joshua.
Game na game na naglaro ang dalawang grupo at sa huli ay itinanghal na nagwagi ang Team Heart.
Matapos nito, masayang-masaya sila Nikki, Maey, PJ, at Mark nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro.
Courtesy: GMA Network and Family Feud
Samantala, bukod kay Joshua, kabilang din sa mga bida sa serye sina Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.
Nito lamang May 27, nagsimula na ang advance streaming ng Unbreak My Heart, kung saan napanood ito at patuloy na ipapalabas sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
Ngayon namang Lunes, May 29, mapapanood na ang serye sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
News
Sa wakas nagsalita na si Dane, ang babaeng nasa likod ng issue na kinasangkutan ni Joshua Garcia! May mga gusto din klaruhin si Dane tungkol sa issue!
Sa Wakas Nagsalita na si Dane, Ang Babaeng Nasa Likod ng Isyu na Kinasangkutan ni Joshua Garcia Matapos ang mahabang panahon ng katahimikan at espekulasyon, sa wakas ay nagsalita na si Dane, ang babae sa likod ng kontrobersiyang kinasangkutan ng…
Ano nga ba ang maling akala ng halos lahat ng tao tungkol kay Joshua Garcia? Ayon sa Kapamilya actor, ito raw ang madalas na akala sa kanya ng mga tao tuwing napapanood siya sa TV.
Love scene seryoso kayo PEP? Napaka insensitive mga tanong niyo di niyo nalang sabihin sinong artista gusto ko makasex. Sayang! Wala sa tangkad husay gaya ng gymnast Carlos Yulo natin marami awards. Majority ng Pilipino, maliit pero magaling! Parang si…
HIGHLIGHTS | Napatili ang girls sa pagpasok ni Joshua Garcia sa loob ng bahay ni Kuya. Pero pasado kaya ang acting skills nila kay Joshua?(VIDEO)
Naalala ko tuloy noong kabataan ko nung college lyf…dumaan din ako sa harap ng mga babae noon tapos may sumigaw late kana naman!!!labas!!!! Medjo hawig naman kami ni Joshua Garcia lamang lang sya ng limang araw na ligo HAHAHAHAHA (ganyan…
Awww, Joshua Garcia Considers Daniel Padilla His “Kuya” in Showbiz
In a cutthroat industry such as the entertainment industry, *true* friends are few and far between. This is why when celebs find someone they vibe with and understand, they hold on to them for life. Such is the case of Joshua…
Jollibee treats fans to one day with Joshua Garcia
Kapamilya heartthrob Joshua Garcia recently visited the Jollibee Katipunan branch and spent the day with over 100 of his loyal fans. The actor donned the Jollibee crew uniform, giving away free Cheesy Yumburger, engaging in a meet-and-greet session and photo…
Nicki Minaj released a video at Diddy’s party, shocking fans with the filth (VIDEO)
Receпt developmeпts iп the oпgoiпg saga iпvolviпg Nicki Miпaj, Meek Mill, aпd Diddy have seпt shockwaves throυgh the eпtertaiпmeпt iпdυstry. A leaked video featυriпg Meek Mill aпd Diddy has sυrfaced, pυrportedly revealiпg υпcomfortable sitυatioпs aпd raisiпg qυestioпs aboυt their past…
End of content
No more pages to load