Nagkuwento ang netizen na nag-post ng throwback photo nila ni Joshua Garcia, 25, nang naging partners sila sa Santacruzan sampung taon na ang nakalilipas.
Viral ang photo na ipinost ni Reina Carisse Forteza-Abrigonda
Siya ay muse sa Santacruzan at naging escort niya ang napakabatang si Joshua na hindi pa artista noon.
Si Reina ay 13 anyos noon, habang si Joshua ay 14 anyos.
“Kung alam ko lang na sisikat ka, sana pala sumagala na tayo simula Batangas City hanggang Mabini,” caption dito ni Reina.
Lahad ni Reina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong February 14, 2023, iyon ang una at huling pagkakataong nagkrus ang landas nila ni Joshua, na makalipas pala ang isang dekada ay magiging tanyag na ABS-CBN star.
Pero pagdedetalye ni Reina, noon pa man ay bakas na ang star quality ni Joshua kahit hindi pa siya artista.
Sa maiksing sandaling nakasama niya si Joshua, nasaksihan ni Reina ang pagiging maginoo nito.
ACCIDENTAL PARTNER in sagala
Tandang-tanda pa ni Reina ang petsa at iba pang detalye ng di malilimutang Santacruzan.
Nangyari ito sa pista sa San Roque, Bauan, Batangas, na hometown ni Joshua, noong August 16, 2012.
“Nakilala ko lang po siya same day ng fiesta po ng San Roque,” sabi ni Reina.
Wala talagang escort si Reina, pero may lumapit sa nanay niya at tinanong kung puwedeng may i-partner na escort sa dalaga.
Pumayag naman ang ina ni Reina. Agad napansin ni Reina ang guwapong escort.
“Di ko lang po in-expect na ang pogi po pala ng ka-partner ko at si Joshua Garcia po yun,” ani Reina.
Paglalarawan niya kay Joshua: “Matangkad, gentleman, maputi, at pogi na po talaga siya that time.
“Head turner na po talaga siya nun. Malakas po talaga appeal niya kahit dati pa,” pagbabalik-tanaw ni Reina sa kanyang “first and last encounter” kasama ang future Kapamilya star.
Young Joshua Garcia became an escort to Reina Carisse Forteza-Abrigonda in a Santacruzan in Batangas way back in 2012.
Maiksi man ang oras na pinagsamahan nila, markado raw kay Reina si Joshua dahil sa magandang tratong ipinakita sa kanya nito.
Ano ang unforgettable moment niya noon kay Joshua?
Sagot ni Reina, “I think yung pagiging gentleman niya po dahil pinapaypayan niya po ako nung time na yun para di pawisan habang naglalakad po kami. Hahaha!”
Nagkaroon din daw sila ng maiksing pag-uusap habang nagsasagala.
“Nagka-proper introduction na lang po kami nung naglalakad na po kami nung Santacruzan.
“Nagkatanungan na lang po kami ng name, age, ganon po, and kung saan napasok [na school].
“And yung ibang naging usapan habang naglalakad ay di ko na po tanda. Sobrang tagal na din po kasi.”
REINA RECOUNTS SEEING JOSHUA ON TV
Dalawang taon matapos ang sagala, muling nakita ni Reina si Joshua sa telebisyon.
“Una ko po siyang nakita sa PBB. Masayang-masaya po at niyabang ko po yun sa mga kamag-anak ko na naging escort ko siya sa sagala. Hahaha!” ani Reina.
Si Joshua ay naging Pinoy Big Brother: All-In housemate noong 2014.
Bukod sa mga kamag-anak, hindi na ipinaalam ni Reina sa iba pa na nagkaroon siya ng pagkakataong maging escort si Joshua noon.
Hanggang nito ngang February 13, 2023 ay ipinost ni Reina ang throwback photo nila ng aktor sa sagala.
Ngayon, si Reina ay may asawa na at may anak. Graduate siya ng Industrial Engineering, pero ngayon ay focused sa pag-aalaga ng anak.
Si Joshua naman ay isa sa reliable leading man ng ABS-CBN.
Kahit na brief moment lang nakasama ni Reina si Joshua, masaya siya na ang kanyang escort ay naging star.
“Masayang-masaya po ako na naging escort ko siya sa sagala bago siya sumikat nang sobra.
“At hindi lang kame basta naglakad, napaypayan niya pa ako,” pagmamalaki ni Reina.
Bilang panghuli, inusisa namin si Reina kung may mensahe siya sa dating escort na ngayon ay sikat na sikat.
Ani Reina, “Hi, Joshua! Sana tanda mo pa ako. Sana masaya ka sa mga naging desisyon at narating mo sa buhay.
“I hope magkaroon ka pa ng maraming projects. Nandito lang kaming mga supporters mo para sa yo palagi.
“Happy Valentine’s Day!”
News
Nadine Lustre On Her Relationship With James Reid: ‘It’s best not to put a line on to it’
Former celebrity couple Nadine Lustre and James Reid may not be together ~romantically~ anymore, but it’s no secret that they’ve stayed really good friends! They’ve been going on trips with their friends and have continued working together under Careless Music. In fact, Nadine has an upcoming…
Katt Williams Drops Bombshell Evidence of Diddy and Beyoncé’s Secret Activities.
If there is one thing I have learned from America when you are on your way to the top be careful with the things you are involved in because that could be your way to the bottom. Word of advice…
Nadine Lustre appears on a billboard at New York Times Square
Actress Nadine Lustre shared what she felt after her face appeared on a digital billboard in Times Square, New York. In her Instagram account, Nadine shared a photo and video showing the digital billboard in New York’s famous Times Square….
You Guys, Nadine Lustre Is Selling Flower Arrangements And Plants Online
Do you recall when Nadine Lustre gave us a tour of her pretty flower corner at home? She showed ~aesthetic~ floral arrangements that made us want to have our own floral-themed spot in our houses. Well, she made it easy to have our own version…
Andrea Brillantes’s manager’s incident with an impersonator broke out
Hindi pinalampas ng talent management ni Andrea Brillantes ang kumakalat na fake tweets na inuugnay sa Kapamilya actress. Si Andrea, 19, ay nasa ilalim ng talent management ni Becky Aguila. Sa opisyal na pahayag ng Aguila Artist Management nitong May 13, 2022,…
Identity The doctor decided to buy Andrea Brillantes an outfit worth 400,000 pesos
From Paris and New York to Milan, Filipinos have been dominating the fashion week scene this year. More of our favorite local celebrities are making stylish appearances at some of the biggest brands’ shows, including Dr. Vicki Belo. ICYDK, Vicki Belo is one…
End of content
No more pages to load