The truth about the post about ex-lover Nadine Lustre’s love for her son, just like the novel

James Reid, nag-react sa viral video kasama ang 'rumored boyfriend' - PINOY  DAILY

Biktima si James Reid ng mga malisyosong balita dahil sa kumakalat na video na nagpapakitang hinalikan niya sa pisngi ang isang lalake.

Kuha ito sa kanyang birthday party. Nagselebra ang aktor ng kanyang 29th birthday noong May 11, 2022.

Pinagpasa-pasahan ng fake news purveyors sa social media, particularly sa TikTok, ang video na nilagyan nila ng mga caption stickers na:

“James’ Rumored Boyfriend”
“James Reid, nilantad na ang kanyang tunay na kulay”
“Birthday Party with his new boyfriend”

Ang mga gamit nilang hashtag ay #JaJa.

James Reid kissing video

Kung tutuusin, napakadali lang mag-imbestiga. Pero pipiliin ng ilang content producers ang headline tungkol “boyfriend” ng aktor dahil mas makaka-attract ito ng views at reactions.

Sadly, may mga naniniwala talaga sa fake news base na rin sa mga comments.

James Thomas RUMORED BOYFRIEND ni James Reid NAGSALITA NA! - YouTube

Comments on James Reid kissing video

Para sa mga naniwala sa mga sabi-sabi at sa mga walang bait sa sarili, James din ang pangalan ng mystery guy na bineso ni James.

Dun nanggaling ang hashtag na #JaJa.

Business partner siya ng 29-year-old singer-actor sa kanilang kompanya, ang Brooklyn Industries Group.

At para sa mga madaling mabiktima ng fake news, normal sa Italian at Australian men ang makipag-beso-beso sa kapwa lalake kaya hindi big deal ang paghalik na ginawa ni James sa kanyang kaibigan.

In fact, kasama ng kaibigan ni James ang girlfriend nito nang magdiwang ng kaarawan ang aktor.

At para pa rin sa kaalaman ng lahat, hindi lamang si James ang may ugali na makipag-beso-beso sa lalake dahil dati na itong ginagawa ni Tonton Gutierrez sa male friends nito.

Pinagtatawanan lamang ng mga kaibigan ni James ang kumakalat na fake news dahil alam nila ang katotohanan bilang mga bisita rin sila sa nakaraang birthday celebration ng aktor.