The truth behind the “canary yellow dress” made Alice Dixson determined to protect

Nakarating kay Alice Dixson, 53, ang paratang na eksenadora at gatecrasher siya sa ginanap na GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri-La at the Fort, Taguig City, noong July 30, 2022.

alice dixson

Dumating ang aktres sa black-and-white old Hollywood-themed event suot ang canary yellow gown. Samantalang halos lahat ng iba pang mga bisita ay nakasuot ng black or white na gowns and suits.

Dahil dito, may mga lumabas na usap-usapan sa social media na hindi umano invited si Alice at nag-gatecrash lamang sa pagtitipon.

Ipinagtanggol ni Alice ang sarili at isa-isang sinagot ang mga isyung ito sa pamamagitan ng Instagram post nitong August 17, 2022.

Ayon sa aktres, “It has come to my attention na may mga nagalit, nainis, nag ba-bash tungkol sa lovely bright @gakuyabykimgan canary yellow gown ko na suot ko noong #GMAThanksgivingGala #GMAGalaNight.

“At ang sabi pa daw, ay gate crasher pa ang dating ko, at nasira ko ang magandang preparation ng gala; really??!”

Hirit pa niya, “Tsk2, ang tao ng naman…”

Katuwiran ni Alice, simple lang para sa kanya ang kahulugan ng “formal black and white” event.

“For me (and I also looked it up ha!) ang isang Formal Black and White event is simply that, a formal event.”

alice dixson

Naka-attach sa post ni Alice ang online search niya ng “black and white formal event.”

Lumabas sa kanyang search ang article sa thespruce.com, kung saan nakasaad na ang “black and white affair is typically a more formal event, so an evening gown or a formal suit would be in order.”

article

Katuwiran pa ng aktres, “No where on any of my invitations that I received (attached) did it say you could only wear black and white!”

Naka-attach din sa kanyang post ang screenshot ng invitation details ng GMA Thanksgiving Gala.

Sa mga na-offend sa kanya, sabi ni Alice, “So I’m sorry if I hurt your feelings or sensibilities.

“I honestly thought I accomplished what was needed for the night: give thanks, mingle and meet my colleagues and the bosses, and have fun.”

Buwelta niya sa mga nambabatikos sa kanya: “Kayo mga bashers, anong nagawa nyo???

“Pls Lang huwag nmn kasi kayo masyado judgmental. Peace & Thank you”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News