GMA-7 na magkakaroon na ang season break ang Family Feud ni Dingdong Dantes.
Sunud-sunod din naman ang mga ginagawa ni Dingdong, dahil meron pa rin siyang Amazing Earth, at tuluy-tuloy na ang taping ng drama series niyang Royal Blood.
Sisimulan na rin ang ihu-host niyang The Voice Generation.
Ayon sa nasagap ng PEP Troika, nasa huling tatlong linggo na raw itong top-rated game show ni Dingdong. Nakapag-tape na sila ng episodes hanggang sa season break nito.
Ilan sa aabangang maglalaro bago ang season break ay si Claudine Barretto, ang sikat na grupong SB19, si Joross Gamboa, ang grupo ni Herlene Budol ng Magandang Dilag, ang mga award-winning Kapuso journalist, at ang cast ng Unbreak My Heart na pinangunahan ni Joshua Garcia.
Nabanggit na sa amin noon ni Joshua sa premiere night ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan na malapit na raw ang schedule ng taping niya sa naturang game show at excited siya. Katatapos lang ng taping ng Kapamilya actor.
Ayon pa sa ilang napagtanungan namin, hanggang September daw ang season break ng Family Feud. Pero hindi pa ito kumpirmado, at posibleng marami pang mababago lalo na’t marami pang aabangang mga bagong programa sa GMA-7.
JERRY OLEA
Sa nakaraang birthday party ni Tita Aster Amoyo, naikuwento ni Eva Eugenio na sobrang na-enjoy niya ang paglalaro sa Family Feud.
Kasama ni Eva ang pamilya niya at kaibigan niya, kalaban si Tita Boots Anson Roa-Rodrigo at ang pamilya nito.
Ang rating ng Family Feud nung Huwebes ay 9.8%. Noong araw ring yun ay naka-6.8% ang Eat Bulaga! versus It’s Showtime na 2.2%.
Sumunod ang Abot Kamay na Pangarap na naka-11%. Ang AraBella ay 8.5%. Ang The Seed of Love ay 6.3%, at ang Fast Talk with Boy Abunda ay 5.1%.
NOEL FERRER
Then, meron pang ginagawang teleserye na Royal Blood at heto ngang paparating na The Voice Generations.
Hindi pa riyan natatapos ang kabisihan ni Dong. May pelikula siya with Alessandra da Rossi for GMA Pictures, at meron ding nilulutong pelikula with Marian Rivera sa isa pang film outfit.
Exciting kung ano ang maisasaling pelikula niya sa MMFF sa Kapaskuhan. Good things happen to good people.
Dingdong should be savoring his career success very well and enjoying his good family life, too! All the best always!
News
Dingdong Dantes, ‘JoshLia’ starrers on Cinema One this month
Dingdong Dantes, ‘JoshLia’ starrers on Cinema One this month “Un/Happy For You” lead stars Joshua Garcia and Julia Barretto are set to bring romance to the small screens this August with their well-loved movies airing Saturdays at 7 p.m. on…
Andrea Billantes collides with Kyline Alcantara at the MEGA anniversary party
A fashion twinning happened between Andrea Brillantes and Kyline Alcantara at the MEGA 32nd Anniversary Party, and here’s how they wore it according their own style When it comes to big events, fashion twinning moments cannot be avoided, and it doesn’t…
James Reid Nag-REACT sa Bagong Boyfriend ni Nadine Lustre na si Christopher Bariou!
James Reid has recently made headlines with his reaction to Nadine Lustre’s new relationship with Christopher Bariou, a Filipino-French model and entrepreneur. Fans have been eager to know how James feels about Nadine moving on after their split, especially given…
Nadine Lustre recalls how James Reid stood by her during her ‘unstable’ phase
Nadine Lustre recalls how James Reid stood by her during her ‘unstable’ phase Inamin ni Nadine Lustre na napatunayan niya ang pagmamahal ng boyfriend na si James Reid noong panahong nagdadalamhati ang aktres sa biglaang pagpanaw ng kanyang kapatid. October…
James Reid’s CONFESSION About Nadine Lustre!
James Reid and Nadine Lustre, once one of the most beloved couples in Philippine showbiz, captivated fans with their undeniable chemistry both on and off the screen. Known together as “JaDine,” their relationship seemed to embody a perfect love story….
Nadine Lustre recounts her brother’s death and the cause of her depression
Nadine Lustre, one of the biggest stars in Philippine entertainment, faced a devastating personal tragedy when her brother, Isaiah Lustre, passed away in 2017. His death left a profound impact on Nadine and her family. While she rarely speaks publicly…
End of content
No more pages to load