Angelica Yulo, mother of two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo, is now selling the house in Imus, Cavite, which became one of the reasons of her conflict with her son.
PHOTO/S: Angelica Poquiz Yulo Facebook / Kapamilya Channel YouTube
Ipinagbibili na ni Angelica Yulo ang bahay nila sa Imus, Cavite, na naipundar niya noong 2016.
Inanunsiyo ng ina ni Carlos Yulo sa Facebook page nito na fully furnished ang bahay na may sukat na 50 square-meter lot area at 100 square-meter floor area.
Kasama sa ibinebentang bahay ang 55-inch television, refrigerator, isang split-type aircon, isang window-type aircon, at bonus na motor accessories at spare parts na nagkakahalaga ng PHP300,000.
Hindi binanggit ni Angelica kung kabilang sa mga ipinagbibili ang mga larawan at tropeyo ng kanyang estranged son.
Giant portrait of two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo.
Photo/s: Angelica Poquiz Yulo Facebook
MONEY ISSUE
Naging sentro ng kontrobersiya ang bahay dahil ito ang isa sa mga itinuturong dahilan ng hidwaan ni Angelica at ni Carlos, na dalawang beses nanalo ng medalyang ginto sa Paris Olympics noong Agosto 2024.
Bago nagdesisyon si Angelica na huwag nang magsalita tungkol sa away nila ng kanyang anak, nagpaunlak siya ng panayam sa ABS-CBN News, isang buwan na ang nakalilipas.
Sa naturang interbyu, ipinagtanggol ni Angelica ang sarili laban sa paratang ni Carlos na “magnanakaw” siya.
Kuwento niya: “May pumasok sa Landbank account niya [Carlos] na yun ang hawak ko na ATM na puwede kong ma-withdraw.
“Na yun naman ang ginamit ko na ipang-fully pay sa bahay na na-acquire ko noong 2016 sa Cavite kaya hindi nakapangalan sa kanya yon.
“Sa akin nakapangalan kasi kaming dalawang mag-asawa ang nag-acquire 2016, since during that time, wala pa naman siyang big amount of money.
“Sabi ko, i-fully paid na kasi sayang yung malaking interest. Finully paid ko siya so kinuha ko siya [pambayad] sa Landbank account niya [Carlos].
“Nabanggit din naman ng ate niya na, ‘Magbabayad si Mama.’ Ipu-fully paid niya yung bahay.