Hindi pa rin tapos si Kris Aquino sa pagbatikos sa kanyang dating asawang si James Yap isang araw matapos mapikon sa birthday greetings ng huli sa kanilang anak na si Bimby.

kris-aquino-james-yap


Hindi pa rin tapos si Kris Aquino sa pagbatikos sa kanyang dating asawang si James Yap isang araw matapos mapikon sa birthday greetings ng huli sa kanilang anak na si Bimby.
 
“Did you really think I would back down?” litanya ni Kris sa kanyang Instagram nitong Sabado.
 
Dismayado si Kris dahil wala umanong ginawa si Yap nang tawagin si Bimby na “baklain” at “lampa” sa social media.

 
“Bullying of an innocent child ang naganap at ikaw walang pakialam na nanahimik –hindi ako magagalit bilang nanay sa pagka-fake ng salita mo?” tanong nito.
 
Sabi pa nito, okay lang umano maging target siya ng mga basher pero haharapin niya ang sinumang mambabatos sa kanyang mga anak.
 
“Kailan ba ako naglalabas ng galit? Kapag mga anak ko na ang ginagamit at pinagmumukhang may mali sa akin bilang ina,” ani Kris.
 
“Dahil sabihin niyo na ang lahat BUT MY SONS ARE LIVING PROOF that they are being raised with the love of a warrior queen.”