Carlos Yulo’s mother speaks up about “mukhang pera” accusations
Angelica Yulo: “Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya.”
PHOTO/S: Facebook / YouTube
Laman ng balita si Carlos mula pa kagabi, August 3, 2024, matapos nitong masungkit ang gold medal para sa men’s gymnastics floor exercise ng Paris Olympics.
Carlos Yulo takes historic gymnastic gold at the Paris Olympics 2024.
Photo/s: Screengrab from YouTube | One Sports
Dahil dito ay marami ang nagkainteres kay Carlos, hindi lang sa pagiging atleta nito ngunit maging sa personal na buhay nito.
Sa kasisiyasat ng netizens ay naungkat ang hidwaan nito sa kanyang ina na si Angelica Poquiz Yulo.
Ayon sa haka-haka ay hindi maayos ang relasyon ng dalawa dahil sa usapin ng pera.
May mga netizen na nag-akusang “mukhang pera” si Angelica at naghahabol umano ito sa perang kinikita ng anak bilang atleta para sa national team.
May mga nagsabi pang winaldas umano ng pamilya ni Carlos ang pera na galing sa mga kumpetisyong sinalihan nito dati at nang walang pahintulot mula sa 24-anyos na atleta.
Sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay lumalabas na Pebrero 2023 pa nang huling nagkaroon ng ugnayan ang mag-ina, at least sa social media.
CARLOS’ MOTHER AIRS SIDE ON ISSUES
Sa panayam sa ina ni Carlos na in-upload ng Bombo Radyo sa Facebook page nito ngayong Linggo, Agosto 4, ipinagtanggol nito ang sarili laban sa mga malisyosong akusasyong kumakalat online.
Ayon kay Angelica, bagamat hawak niya ang bank passbook ni Carlos ay hindi niya ito kailanman inangkin at itinuring na sariling pera niya.
Sa salaysay ni Angelica ay tila nagkaroon ng insidente kung saan nagpagawa ng affidavit of loss si Carlos para makakuha ito ng bagong kopya ng passbook.
“Since hawak ko yung passbook niya, nagpasa siya ng affidavit of loss. Got it notarized tapos pinasa niya sa BDO,” lahad ni Angelica.
“So siyempre, sa kanya lang nakapangalan yun. Kaya may right talaga siya na kunin yung pera niya.
“Kaya lang kasi, hindi ko in-expect sa ganung paraan. Kasi binigyan ko pa siya ng benefit of the doubt na kukunin niya sa amin nang maayos na [paraan]. Ibibigay naman namin.”
Dagdag pa niya, “As far as I remember, December 2022, nagpunta kami ng bank o nag-update pa kami ng signature niya.
“Ngayon, kung ako after ako sa pera niya, that time kasi alam ko iba na yung feeling ko.
News
Carlos Yulo Thanks GF Chloe San Jose For Supporting His Mental Health During Olympic Journey
Carlos Yulo Expresses Gratitude to Girlfriend Chloe San Jose for Mental Health Support CARLOS YULO – Double gold gymnast Carlos Yulo expresses gratitude to Chloe San Jose, his girlfriend, for her support in his mental health. In an interview with…
Carlos Yulo’s GF Chloe San Jose speaks up on claims she ‘disrespected’ his mom
Carlos Yulo (right) and his girlfriend Chloe San Jose. Image: Instagram/@chloeanjeleigh Carlos Yulo’s girlfriend, content creator Chloe San Jose, addressed the claims made by his family against her, stressing she only stood up for herself and for the Olympic gold medalist against…
Angelica Yulo ibinebenta ang bahay na pinag-awayan nila ni Carlos
Angelica Yulo, mother of two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo, is now selling the house in Imus, Cavite, which became one of the reasons of her conflict with her son. PHOTO/S: Angelica Poquiz Yulo Facebook / Kapamilya Channel YouTube…
Rift with mum spoils Carlos Yulo’s Cinderella story, casts harsh light on Philippine sports
Filipino gymnast Carlos Yulo won two gold medals in the Paris Olympics, but Filipinos are riveted more by a rift he has with his mother. PHOTO: REUTERS It was a Cinderella story that somehow turned into a tawdry telenovela. Over two…
Online drama: Carlos Yulo’s mom vs. girlfriend, netizens react
Online drama: Carlos Yulo’s mom vs. girlfriend, netizens react Courtesy: Chloe San Jose, Angelica Yulo While the whole Philippines celebrates Carlos Yulo’s two gold medal wins, one person seems unsupportive, sparking reactions from netizens. Despite Filipino gymnast Carlos Yulo winning…
Showbiz Roundup: Anjo Yllana seeks debt payment from TAPE; Coco Martin and Julia Montes’ 12-year relationship
Showbiz Roundup: Anjo Yllana seeks debt payment from TAPE; Coco Martin and Julia Montes’ 12-year relationship It has been an explosive week in the entertainment scene as Anjo Yllana claimed that TAPE still owes him several months’ worth of salary…
End of content
No more pages to load