Dingdong and Karylle are also business partners. November 22 of last year, they launched their KTV and resturant business in Tomas Morato
How true na hindi na pala puwedeng makitang magkasama sila Dingdong Dantes at ang girlfriend niyang si Karylle habang ongoing pa ang number primetime drama na Marimar?
Sa SOP nga raw ay may rule na hindi puwedeng pagsamahin sila Dingdong at Karylle sa isang production number o maging sa pagbigay ng kanilang mga spiels sa naturang Sunday musical-variety show.
Pero may duda pa rin kami na baka naman nagkakataon lang na hindi na nagkakasama ang dalawa sa mga ginagawa nila sa SOP. Magkaiba naman kasi ang forte nina Dingdong at Karylle. More on hosting si Dingdong samantalang sa pagkanta naman ang concentration ni Karylle.
Imposible rin naman kasi na hindi rin magkasama ang dalawa dahil bukod sa may strong relationship sila, business partners pa sila sa negosyo nilang Centerstage sa may Timog Avenue corner Tomas Morato sa Quezon City.
Unfair naman siguro kay Karylle kung ilalayo siya kay Dingdong nang dahil lang kay Marian Rivera at sa hit show nilang Marimar. At sa tingin naman namin ay walang kinalaman naman si Marian sa dalawa. As long as nagagawa nila ni Dingdong ang kanilang mga papel sa Marimar, okey lang na makitang kasama ni Dingdong si Karylle.
Kung sabagay, may mga fans talaga na sobra ang paghanga sa kanilang mga idolo kaya ayaw nilang makita ang kanilang paboritong aktor na may ibang kasama na aktres, maliban sa leading lady nito.
Well, it seems like the Sergio-Marimar craze is not affecting the three-year relationship of Dingdong at Karylle. Siguro naman ay hindi ang programang Marimar ang magiging dahilan kung bakit sila magkakaroon ng misunderstanding. Malamang, it will take more than a hit TV show para mabuwag ang pag-iibigan nina Dingdong at Karylle.