Dingdong Dantes and Marian Rivera

Dingdong Dantes on marriage with Marian Rivera: “Having said that, hindi naman kami perpektong couple. Pero isa lang ang bagay ang sinisiguro namin, that we always try hard to become better persons each day, not just for ourselves but also for each other and for our family.”

Mainit pa ring pinag-uusapan ang isyung hiwalayan ng mga kilalang showbiz couples. Kaya tuwing may nakakapanayam kaming mga artistang mag-asawa, natatanong namin kung may pressure din ba sa kanila ang ganitong di magandang balita.

Ayaw sanang magkomento ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera tungkol sa isyung ito, dahil kanya-kanya tayo ng kuwento at hindi rin natin alam kung ano ang mga pinagdaanan ng mga showbiz couples na ito.

Sina Dingdong at Marian ang maituturing na model couple dahil sa masayang pagsasama nilang pamilya.

Pero sabi naman nina Dingdong at Marian, normal lang naman silang mag-asawa, at iyung nakikita sa social media at ilang percent lang daw iyun sa ibang ginagawa nila na hindi alam ng publiko.

Ani Marian, “Actually, parang ayokong mag-comment diyan. Parang wala ako sa posisyon para magsalita o magkomento para sa mga ganyang klase.

“Pero siyempre, every time na nakakarinig tayo ng ganitong pagkakataon sa mag-couple ay nakakalungkot naman talaga.

“So, ang tanging magagawa nating mga nakapaligid at kung kaibigan naman natin sila, ipagdasal natin sila na maging maayos at makayanan nila ang mga pagsubok na ito.”

Sabi naman ni Dingdong, “Kasi alam niyo po, yung mga nakikita naman sa media, especially sa amin. Siguro, probably yun ang one percent of kung ano talaga yung nangyayari sa aming buhay. Kasi, hindi naman po talaga lahat nasi-share namin.

“Having said that, hindi naman kami perpektong couple. Pero isa lang ang bagay ang sinisiguro namin, that we always try hard to become better persons each day, not just for ourselves but also for each other and for our family.”

Magandang pagsasama ang nakikita sa kanila ng publiko, kaya kinuha silang bagong brand ambassadors ng isang uri ng E-bike na NWOW Philippines.

Ang maganda pa rito, kasama pa ang bunsong anak nilang si Sixto sa endorsement na ito. Pormal silang inilunsad sa Novotel, Cubao, Quezon City nung Lunes, December 11.