Heart Evangelista, Chiz Escudero breakup
Kapuso actress Heart Evangelista posts “see you soon” message for Senator Chiz Escudero dispelling rumors that they have broken up. PHOTO/S: File

Heart Evangelista, Chiz Escudero breakup
Binasag na ni Heart Evangelista, 37, ang kanyang pananahimik matapos ang limang buwang espekulasyon tungkol sa kanila ng mister na si Senator Chiz Escudero, 53.

Isang simpleng one-liner ang ipinost ni Heart para sa asawa sa kanyang Instagram account kagabi, December 26, 2022.

Pero nagmistulang sagot ito sa katanungan kung sila pa ba ni Senator Chiz.

Read: Heart Evangelista celebrates Christmas in Paris; where was husband Chiz Escudero?

Sa Paris, France nagdiwang ng Pasko si Heart. Pero sa kanyang Instagram video, ipinahiwatig niyang magkikita sila ng mister sa New Year.

“Living between 2 worlds Paris and Manila [white heart] 2 clocks in one [luxury brand and white heart] walking around Paris before heading home for New Year,” saad ni Heart.

Sabay hirit niya, “Ps See you soon @escuderochiz [white heart and cheese emojis].”

Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart Evangelista Chiz Escudero

Ikinatuwa ito ng masugid na tagasubaybay ni Heart.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang napabalitang tila may problema ang mag-asawa mula nang tanggalin ni Heart ang apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram account.

Kung dati ay nakalagay doon ang buong pangalan niyang Love Marie Ongpauco Escudero, naging “Love Marie” o “Love Marie Evangelista” na lamang ito.

Napansin iyon ng netizens noon pang August 8, 2022.

Bago iyon, noong July 31, 2022, namataan pang magkasama sina Heart at Chiz sa red carpet ng GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri-La BGC, Taguig City.

Lalong naging palaisipan ang estado ng relasyon ng couple nang maglabas si Heart ng vlog noong September 2, 2022 kunsaan nagsabi siyang may pinagdadaanan siyang “personal stuff.”

Mula noon ay hinintay ng netizens, pati na rin ng media, ang opisyal na pahayag ni Heart kung may katotohanan ang bali-balita tungkol sa kanila ni Chiz.