According to reports, Julia Montes has given birth to her child and that Coco Martin is the father.
PHOTO/S: Noel Orsal
Usap-usapan ngayon na nanganak na ang aktres na si Julia Montes, 24, at nangyari ito rito mismo sa Pilipinas.
Malakas din ang kutob ng showbiz insiders na ang ama ng isinilang ng dating Star Magic star ay ang secret boyfriend niyang si Coco Martin, 37, ang tinaguriang King of Primetime ng ABS-CBN dahil sa pamamayagpag ng pinagbibidahan nitong FPJ’s Ang Probinsyano.
Taong 2015 nang unang umugong ang balitang may lihim na relasyon sina Julia at Coco.
Ngunit sa loob ng apat na taon ay nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.
Una silang nagkatambal sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan, na umere ng sampung buwan—mula January 16, 2012 hanggang October 26, 2012.
Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan, nasundan ito ng isa pang proyekto noong 2013, ang pelikulang A Moment In Time, na kinunan sa Netherlands at iba pang mga bansa sa Europe.
Noong 2014, muling nagkasama sina Coco at Julia sa primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.
Nakasama nila rito sina Kim Chiu, KC Concepcion, at Jake Cuenca. Tumagal ng walong buwan sa ere ang teleserye na nagkaroon pa ng Book Two.
2015 naman nang magkasama ang dalawa sa “Yamishita’s Treasure” episode ng Wansapantaym.
Matapos nito, nagkanya-kaya na sila ng proyekto.
Ngunit ayon sa mga nakakakilala sa kanila, naging close sina Julia at Coco at mayroong relasyong higit pa sa pagkakaibigan lamang.
JULIA LEAVES STAR MAGIC
October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.
Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.
Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.
Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.
December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.
News
“We were worried.” Ito raw ang naramdaman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang mapanood ang nangyari kay Boobay sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon.
“We were worried.” This was the sentiment shared by Dingdong Dantes and Marian Rivera after witnessing the unsettling moment involving comedian Boobay on the popular show “Fast Talk with Boy Abunda.” The incident, which took place during the show’s recent…
Karylle misses ‘It’s Showtime’ appearance amid guesting of DongYan. Her post on X made the online community deeply sympathetic. Vice Ganda also spoke out more specifically about this
In the midst of the much-anticipated guesting of Kapuso Primetime King and Queen, Marian Rivera and Dingdong Dantes, on the noontime show ‘It’s Showtime,’ the absence of host Karylle caught the attention of netizens. The absence stirred up discussions, as…
Kawawa rin si Karylle, no? Sya pa ang bina-bash ngayon dahil sa pag-absent nya sa “It’s Showtime” as one of the hosts, nung mag-guest ang X nyang si Dingdong Dantes & wife, Marian Rivera.
Kawawa rin si Karylle, no? Sya pa ang bina-bash ngayon dahil sa pag-absent nya sa “It’s Showtime” as one of the hosts, nung mag-guest ang X nyang si Dingdong Dantes & wife, Marian Rivera. Tama naman yung ginawa ni Karylle….
HOT VIDEO: Dingdong says “Family Feud just got a little more personal with a surprise visit from my loves! So proud to share the stage with my wife and kids on this unforgettable day.”
The excitement was palpable as the latest episode of Family Feud aired on August 8, 2024, featuring a high-stakes showdown between two powerhouse teams: Team Dantes and Team Gonzi. With Dingdong Dantes at the heart of the action, this episode…
LOOK: Marian Rivera at Dingdong Dantes, hindi napigilang maging emosyonal matapos silang dalhin ng Star Cinema sa SM City Pampanga upang makita ang mga libo-libong Kapamilya at Kapuso na nagmamahal sa kanila.
Hindi napigilan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang emosyon nang dalhin sila ng Star Cinema sa SM City Pampanga kamakailan. Ang magkasunod na heartthrobs ng Kapuso network ay naging sentro ng atensyon habang pinuno ng libo-libong Kapamilya…
Dingdong Dantes explains to his daughter Zia Dantes why she hasn’t been to her important swimming competition recently. Netizens touched on Dingdong’s letter for Zia!
Dingdong Dantes recently took to his Instagram account to share an emotional message addressed to his 7-year-old daughter, Letizia, fondly known as Zia. The heartwarming post accompanied a series of photos capturing Zia’s dedication and skill during a practice session….
End of content
No more pages to load