Karylle, emosyonal na nagpasalamat kay Amy Perez: ‘Ang dami kong pinagdaanan recently’
Sa birthday celebration ni Amy Perez sa “It’s Showtime” nitong Huwebes, naging emosyonal si Karylle sa mensaheng ibinigay niya sa kaniyang tita na naging sandalan niya sa panahon ng pagharap niya sa mga pagsubok sa buhay.
Kasama ni Karylle na bumati kay Amy ang iba pa nilang co-host ng programa na sina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Darren Espanto, at Ryan Bang.
Ayon kay Karylle, totoong “tiya” niya si Amy dahil magkapatid ang ama ni Amy at lola ni Karylle.
“Maraming salamat. Hindi siguro alam ng lahat pero ang dami kong pinagdaanan recently and Tita Amy was completely there for me,” ayon sa singer-actress.
“And I think, sa ‘yo talaga ako humugot ng lakas. Napakahirap,” patuloy niya.
Kuwento pa ni Karylle, nang may malaman siyang malungkot na balita habang nasa It’s Showtime, si Amy ang una niyang nilapitan.
“I found out my bad news here in Showtime and I knew exactly who to tell kasi hindi ko rin gustong sirain ‘yung taping. Kasi kailangan nating magpasaya ng madlang people,” sabi ni Karylle.
“Salamat, knowing that you’re there for me everyday. Katulad nung pagkanta mo ng ‘Jesus, Thank You,’ naituro mo kay Seyah ‘yung gratitude,” patuloy niya.
Nitong nakaraang Agosto, pumanaw ang ama ni Karylle na si Modesto Tatlonghari.
Ayon pa kay Karylle, hindi lang siya ang tinutulungan ni Amy kung hindi ang lahat ng kasama nila sa programa.
“Palagi lang tayo nagiging magpagpasalamat sa Panginoon at sa bawat isang nandito sa atin. Dahil sa tinuro mong ‘yan, thank you, I will always be grateful. You do so much for all of us here, mula sa gusto mong smooth na smooth ang show everyday. You really have given us so much love in your very small but many ways,” patuloy ni Karylle.
RELATED STORIES
Amy Perez, inilahad ang kuwento sa likod ng 3 paborito niyang kanta, kabilang ang ‘Jesus, Thank You’
Babae sa France, hindi alam na ipinapagahasa siya ng kaniyang mister sa iba’t ibang lalaki sa loob ng halos 1 dekada
Ruru Madrid, nangako na nga ba na pakakasalan si Bianca Umali?
“Bawat araw, ang dami mong ginagawa para sa amin. Kung merong may maliit na problema, alam nating may kakatok sa dressing room natin dahil ikaw ang talagang takbuhan namin sa bawat problema. So thank you. I don’t even know how na-survive ko ‘tong buwan na ‘to pero largely because of you,” dagdag niya.
Nagpasalamat naman si Amy sa pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng mga kasamahan niya sa “It’s Showtime.”
Kung naging madamdamin ang mensahe ni Karylle para kay Amy, kasiyahan naman ang hatid ni Ryan. Panoorin ang video.-
News
Marian Rivera, Dingdong Dantes to sell designer items, personal memorabilia in garage sale
Marian Rivera, Dingdong Dantes to sell designer items, personal memorabilia in garage sale Photo: Dingdong Dantes/IG There are a lot of good items to look forward to at Marian Rivera and Dingdong Dantes’ one-day garage sale! Dingdong’s Instagram post teased…
VIDEO SHOCK Full interview: Marian Rivera, Dingdong Dantes on the end of ‘network wars’
Full interview: Marian Rivera, Dingdong Dantes on the end of ‘network wars’ Watch more News on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news. Dingdong Dantes and Marian Rivera, regarded as TV royalties of GMA-7, are relishing…
Marian Rivera shares behind-the-scenes snaps from ‘Balota’
Marian Rivera’s new movie “Balota” is looking to be an exciting one! On Facebook, the Kapuso Primetime Queen shared some behind-the-scenes snaps taken from the set of the upcoming Cinemalaya film. “Balota Bts,” Marian simply wrote in the caption. In…
Jillian Ward on being a Marian Rivera fan: ‘She’s just so beautiful and inspiring’
Jillian Ward on being a Marian Rivera fan: ‘She’s just so beautiful and inspiring Photo: Jade Veronique Yap/GMA Integrated News, Marian Rivera/IG Jillian Ward is undeniably a big fan of Marian Rivera. In an interview with GMA News Online at the GMA Gala…
These types of things are best to do together,” says Dingdong Dantes in His Newest Collaboration with Wife, Marian Rivera
At the GMA Gala, the couple shines anew as they celebrate beauty, innovation, and authenticity with Avignon Clinic Marian Rivera and Dingdong Dantes have made a signature out of working together. The duo have since worked alongside each other as…
HOT VIDEO: Dream come true for Dingdong Dantes and Marian Rivera that they were able to build their new house. DongYan told how they helped build a resort-like dream house product of their combined passion.
Tila natupad na ang isa sa mga pinakamalaking pangarap ng power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera—ang makapagpatayo ng kanilang bagong bahay na mala-resort sa ganda. Sa wakas, naipatayo na nila ang kanilang pinapangarap na tahanan, na bunga…
End of content
No more pages to load