Usap-usapan ngayon na nanganak na ang aktres na si Julia Montes, 24, at nangyari ito rito mismo sa Pilipinas.
Malakas din ang kutob ng showbiz insiders na ang ama ng isinilang ng dating Star Magic star ay ang secret boyfriend niyang si Coco Martin, 37, ang tinaguriang King of Primetime ng ABS-CBN dahil sa pamamayagpag ng pinagbibidahan nitong FPJ’s Ang Probinsyano.
Taong 2015 nang unang umugong ang balitang may lihim na relasyon sina Julia at Coco.
Ngunit sa loob ng apat na taon ay nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.
Una silang nagkatambal sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan, na umere ng sampung buwan—mula January 16, 2012 hanggang October 26, 2012.
Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan, nasundan ito ng isa pang proyekto noong 2013, ang pelikulang A Moment In Time, na kinunan sa Netherlands at iba pang mga bansa sa Europe.
Noong 2014, muling nagkasama sina Coco at Julia sa primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.
Nakasama nila rito sina Kim Chiu, KC Concepcion, at Jake Cuenca. Tumagal ng walong buwan sa ere ang teleserye na nagkaroon pa ng Book Two.
2015 naman nang magkasama ang dalawa sa “Yamishita’s Treasure” episode ng Wansapantaym.
Matapos nito, nagkanya-kaya na sila ng proyekto.
Ngunit ayon sa mga nakakakilala sa kanila, naging close sina Julia at Coco at mayroong relasyong higit pa sa pagkakaibigan lamang.
JULIA LEAVES STAR MAGIC
October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.
Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.
Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.
Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.
December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.
News
VIDEO: ‘I refuse to di.e’ Kris Aquino reveals next 6 months crucial in her health battle. Secretly thank the “silent lover” for accompanying
‘I refuse to die’ Kris Aquino reveals next 6 months crucial in her health battle Kris Aquino bared more information on her ongoing battle against a number of autoimmune diseases in a tell-all interview with Kapuso host Boy Abunda. Aquino…
Coco Martin and Julia Montes’ Secret? Willie Revillame’s Comment Raises Questions About Their Children
TV personality and host Willie Revillame seemed to confirm long-standing rumors that celebrity couple Coco Martin and Julia Montes already have children. On Sunday, July 14, Willie was congratulated by his celebrity friends for the premiere of his new show,…
Coco Martin has just confirmed that he has been dating Julia Montes for how many years, what difficulties have he faced and is it a special kind of discomfort?
Batang Quiapo star and long-time Ang Probinsyano lead Coco Martin confirmed what many fans suspected all along: he and perennial leading lady Julia Montes have been dating for a while — 12 years to be exact. Coco and Julia rose to fame…
VIRAL VIDEO: Carlos Yulo Inamin Na Interesado Makapasok Sa Batang Quiapo! Coco Martin Interesado Din Kay Caloy?
Sinabi ni Carlos Yulo, na isang dalawang beses na Olympic gold medalist, na siya ay handang magpakita sa kilalang programa ng ABS-CBN na FPJ’s Batang Quiapo. Ang kanyang pahayag ay nagbigay tuwa sa maraming tagahanga at nakabighani sa interes ng…
VIRAL VIDEO: Coco Martin Isinapubliko Na Ang Anak Nila Ni Julia Montes Na Si Zia Grace Martin!v
Kamakailan ay naging usap-usapan ang mga larawan nina Sam Milby at Julia Montes na kasama ang isang batang babae na nasa limang taong gulang nang dumating sila sa Puerto Princesa, Palawan noong Setyembre 17. Ang kanilang pagbisita ay para sa…
Kris Aquino files protection order vs ex-hubby James Yap
Accusing her former husband James Yap of overstepping his boundaries and of attempting to seduce her while visiting her home, and of inflicting psychological harm on their son James, or “Bimby,” actress and TV host Kris Aquino has filed a…
End of content
No more pages to load