“Medyo matagal din yung relationship namin at hindi ako nagmamadali. God will always take care of you, you just have to trust in Him. Pag sinurender mo ang lahat ng problema, fears, doubts, and whatever kay God, everything will be okey soon,” says Karylle.

Nang kumpirmahin nina Karylle at Dindong Dantes ang breakup nila pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon, marami sa malalapit na tao at kaibigan ng dalawa ang umasa pa ring baka mauwi sa balikan ang paghihiwalay ng dating magkasintahan. Pero namatay ang pag-asa nila nang magdesisyon si Karylle na lumipat ng TV network, mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN.

Sinasabing ang dahilan ng paglipat ni Karylle ay para umiwas na ring magtagpo pa ang landas nila ni Dingdong. Dahil sa isang network lang sila nagtatrabaho ay hindi maiiwasang magkita sila nang madalas.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Karylle sa 22nd Star Awards for TV kagabi, November 30, kung saan isa siya sa naging performers.

“Looking forward” ang deskripsyon niya sa kasalukuyang sitwasyong kinasusuungan niya. Dagdag niya, “And I can say na sobrang na-lessen na yung pain, so hindi na siya masyadong masakit or anything.”

COPING MECHANISM. Sinabi rin ni Karylle na sumailaim siya sa isang religious retreat para matanggap niya nang bukal sa loob at makayang harapin ang breakup nila ni Dingdong. Nakatulong daw ito nang malaki sa kanya, gaya ng pagtanggap at pang-unawa niya sa paghihiwalay noon ng kanyang mga magulang.

“Pag nag-break kayo, it’s a road less traveled kasi mas pipiliin nga naman yung mag-party ka, gumimik,” sabi ni Karylle. “But for me kasi, I’ve gone through a family healing after my dad and my mom separated at nakatulong yun sa akin. Although it was really late na, 20 na ako nun… My parents got separated when I was six. So I know it would really help me heal, yung totoo, ha, yung di plastic. Alam ko na even if it’s a breakup, especially one that’s really public, kailangan ko yun and I was open for help.”

Sinabi rin ni Karylle na ipinaalam nila ni Dingdong ang kanilang breakup with their respective families.

“Pinaalam lang namin, and regarding my dad’s [Dr. Modesto Tatlonghari] reaction, I think hindi ko na kailangang i-explain yun. Mommy ko [Zsa Zsa Padilla] naman, pag-uwi niya, siya na lang ang tanungin ninyo. I still have communication with Dong’s family a month ago, pero ngayon wala na,” lahad ng singer-actress.