Usap usapan ngayon ang “It’s Showtime” host na si Karylle sa X (dating Twitter) dahil absent ito sa pag-guest nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa naturang noontime show.

Tila abang na abang ang netizens sa paghaharap ng mga ito.

Sey kasi ng ibang netizens na baka “awkward” ang paghaharap ng mga ito.

Matatandaang naging kasintahan ni Karylle si Dingdong at naging kontrobersiyal ang hiwalayan nila dahil kay Marian Rivera.

Si Marian daw kasi ang naging dahilan kung bakit naghiwalay sina Dingdong at Karylle noon.

Hindi naman nagtagumpay ang hiling ng netizens sa pagkikita ng mga ito dahi nga absent ang host.

Samantala, nagpost sa X si Karylle noong Disyembre 13 na masama ang pakiramdam nito kaya hindi muna siya makakapasok sa naturang noontime show.

“Woke up sick so I’ll be missing work for a couple of days! Stay healthy everyone 🫶🏽,” X post ni Karylle.

Napuno naman ng samut saring reaksyon ang mga netizen sa X.

“Juice ko, irespeto nyo na lang ang desisyon ni Karylle. Maayos na ang buhay-pamilya nila. Hayaan nyo silang tahimik. Huwag ng gawan pa ng issue.” paalala ng isang fan.

Dagdag pa ng isa,“Regardless if andun si Karylle or wala, di na dapat yun ginagawan ng issue. All of them are happily married and have already moved on”

“Tigilan nyo si karylle” maikling sabi ng isa.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang TV host ukol dito.