Kim Chiu

Is Kim Chiu ready to level up relationship with Xian Lim: “Darating tayo diyan, sabi ko nga time management is the key… So, parang let’s do it in one day at a time, right time, right place.”

Maraming ipinagpapasalamat ang Kapamilya actress na si Kim Chiu lalo’t sunud-sunod ang dating ng proyekto sa kanya ngayong 2023.

Bukod sa regular hosting stint sa noontime show na It’s Showtime, napapanood din si Kim sa Prime Video series na Fit Check: Confessions of An Ukay Queen.

Bibida rin si Kim sa Kapamilya prime-time series na Linlang kasama sina Paulo Avelino, JM de Guzman, at Maricel Soriano. Nakatakda itong ipalabas ngayon ding taon.

Nitong nakaraang July 3, 2023, inilunsad naman si Kim bilang brand ambassador ng Spicy Chao Fan ng Chowking.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, ipinahayag ni Kim ang pasasalamat sa lahat ng blessings na kanyang natanggap ngayong taon.

Aniya, “This year, I can say that this year is a blessed year for me. Ang daming nangyayari in the past two years during the pandemic.

“And ngayon, with mga offer, I’m just thankful that they’re giving their trust sa akin sa mga big projects na mga ganito.”

At dahil maganda ang takbo ng kanyang career, hindi naman naiwasang matanong si Kim tungkol sa estado kanyang buhay pag-ibig.

Nang tanungin kung handa na ba siyang mag-level up kung sakali sa kanilang relasyon ng boyfriend na si Xian Lim, sagot ni Kim, “Darating tayo diyan. Sabi ko nga, time management is the key…

“So, parang let’s do it in one day at a time, right time, right place.”

Ganito rin ang paniniwala ni Kim kapag tinatanong kung ano ang nakikita niya para sa kanyang sarili sa loob ng tatlong taon.

Base na rin sa kanyang mga karanasan, maraming nangyari na hindi niya inaasahan nitong mga nakaraang taon.

“Parang ako naman, I don’t really think advance nang super kasi parang baka ma-fail ko lang yung expectation ko on what I will be in the next three years.