Tila mayroon muling hindi pagkakaunawaan sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Kapansin-pansin kasi ang malalim na hugot ni Kris sa mga sagot niya sa press conference ng pelikulang I Love You Hater, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN nitong Lunes ng gabi, June 18.
Kasama niyang humarap sa entertainment press ang co-stars na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, at ang direktor ng pelikula na si Giselle Andres.
Una, tinanong ang cast ng pelikula kung sang-ayon sila sa kasabihang “When you love, you must hate.”
Sagot dito ni Kris, “When you’re still capable of hating someone you once loved, that means there is still love.
“Pero kapag deadmabels ka na o care bears ka na sa buhay niya, that means naubos na yung love.”
Isang malakas na tunog ng panghihinayang ang sabay-sabay na naging reaksiyon ng fans na dumalo sa press conference.
Agad namang idinagdag ni Kris, “Bago kayo mag-react, I still care about him.”
Paglilinaw pa ng actress/TV host/celebrity influencer, “Ang tinutukoy ko na wala na akong pakialam sa kanya, yung tatay ni Bimb, para klaro tayo.
“Pero kung saan tayo nakatayo ngayon, kung saan ang ABS-CBN, he can still make me hate him, so that means I still have feelings for him.”
Ang unang tinukoy ni Kris ay ang ama ni Bimby na si James Yap.
Ang sumunod naman ay si Mayor Herbert.
Muling nagpahaging si Kris sa alkalde nang matanong ito sa kanya: “How did love and hate figure in my life so far [this year]?”
Sagot ni Kris, “You don’t let hatred win. That’s the number one lesson I’ve learned.
“If they can still let you to have that emotion of hatred, then they’ve won.
“That was a process, ha, na you have to know kung sino talaga ang enemy and choose your battles carefully.”
ON FORGIVENESS. Ngayong taon, natutunan din daw ni Kris ang magpatawad kahit walang humihingi ng tawad.
Paliwanag niya, “Ang forgiveness is a gift you give yourself.
“Forgiveness is not because that person ever said I’m sorry.
“Forgiveness is not also because minahal ka ng taong yun.
“But forgiveness comes because inireregalo mo sa sarili mo dahil mabigat mabuhay na mayroon kang sama ng loob, lalo na sa minahal at mahal mo.
“I think that’s what I learned. You don’t have to hear the words ‘I’m sorry’ in order for you to forgive.
“I’ll just say this, ha, because I won’t be Kris if I don’t say this, just don’t twist the facts.
“Yun lang ang akin. I can forgive even if you don’t say sorry.
“Huwag niyo lang palabasin na ako ang sinungaling.”
Sa kanyang mga sumunod na pahayag, mahihinuhang ang tinutukoy ni Kris na hindi humihingi ng sorry ay si Mayor Herbert.
Tinanong kasi ang cast ng “Who is the last person you hated that you also loved?”