May paliwanag ang Queen of All Media na si Kris Aquino hingil sa singsing na bigay niya sa kanyang ex-boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Kris Aquino explains trinity ring she gave to Mark Leviste

Batangas Vice Governor Mark Leviste flaunts Cartier Trinity ring given by his ex-girlfriend Kris Aquino.
PHOTO/S: Mark Leviste Instagram

Nangyari ito nang mapansin ng mga netizen ang suot-suot na singsing ni Mark sa isang selfie post niya sa Instagram noong July 28, 2023.

Kuha iyon ni Mark nang makabalik ito sa Pilipinas matapos ang ilang linggong pagbabakasyon niya sa Amerika kasama ang TV host-actress.

Sa nasabing larawan, makikitang naka-finger heart si Mark kaya mas nakatawag ng pansin ang suot niyang singsing.

Natukoy ito na 18K white gold Cartier Trinity ring, na ayon sa official website ng brand ay nagkakahalaga ng $1570 o PHP87,197.80 base sa $1=PHP55.54 exchange rate.

Hirit tuloy ng ilang netizens, “Sana all pag nag break may singsing.”

REPORTED INFO ABOUT MARK’S RING

Ang naturang larawan ni Mark ay ni-repost ng official fan page ni Kris, kalakip ang caption na (published as is), “LOOK: KRIS AQUINO, BINIGYAN NG SINGSING SI MARK LEVISTE?

“Nasa Pilipinas at sabak kaagad sa trabaho si Batangas Vice Governor, @markleviste matapos manatili sa Los Angeles, California para makasama ang Queen of All Media @krisaquino at samahan ang bunsong anak na si Bimb na kamakailan ay nagkaroon ng sakit na pneumonia.

“Ayon sa latest post ni Mark Leviste sa Instagram, sinabi nitong, “Nice to be back on air with my #GoodVibes partner @ornaldogwapitoSakay na kayo sa B’yaheng Kapitolyo! #ByahengKapitolyo #GoodVice #LingkodLeviste”

“Kapansin-pansin naman sa litrato ang suot na singsing ng Bise-Gobernador. Ito ay isang Cartier Trinity Ring na ang ibig sabihin ay LOVE, FRIENDSHIP, at FIDELITY na di umano’y ibinigay raw ng Queen of All Media Kris Aquino ayon sa isang kumento sa nasabing post ni Mark Leviste bago umuwi pabalik ng Pilipinas.”

KRIS REACTS

Agad nakarating kay Kris ang balitang natukoy ng fans niya na sa kanya galing ang suot na singsing ni Mark.

Walang kaabog-abog na nireplayan niya ang post sa Facebook page ng kanyang fan group.