Legal battle nina Kris at Nicko, not yet over?

Legal battle nina Kris at Nicko, not yet over?

Ibahagi

ANG akala namin, over na as in tapos na ang court battle between Kris Aquino at Nicko Falcis, ngunit may mga ongoing pa palang isyung dapat ayusin. Kaya nagulat din kami nang mabalitaan ang pag-aresto kay Nicko pagbabanito sa Ninoy Aquino International Airport, kamakailan.

Ang pagkakadakip kay Nicko ay kaugnay umano ng dalawang standing warrants of arrest na inilabas ng Taguig Regional Trial Court (Taguig-RTC) Branches 117 at 70 noon pang Marso. Sa alegasyon ng estafa at credit card fraud o paglabag sa R.A. 8484 Section 9 (j) na inihain ni laban kay Nicko.

Pero for some reason, inaresto nga ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) si Nicko Falcis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga, December 13.

Kris

Nicko

Ang pagkakadakip kay Nicko ay kaugnay umano ng dalawang standing warrants of arrest na inilabas ng Taguig Regional Trial Court (Taguig-RTC) Branches 117 at 70 noon pang Marso. Sa alegasyon ng estafa at credit card fraud o paglabag sa R.A. 8484 Section 9 (j) na inihain ni laban kay Nicko.

Pero for some reason, inaresto nga ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) si Nicko Falcis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga, December 13.

Kalalapag lamang sa paliparan ni Nicko galing sa Thailand, where he stay mula nang pumutok ang isyu nila ng dating business partner na si Kris.

Sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft si Nicko sa Office of The Prosecutor ng Taguig-RTC at sa pitong siyudad pa sa Metro Manila, noong October 12, 2018.

Ayon sa report gumastos si Nicko ng halagang P1.2 milyon nang walang permiso gamit ang credit card na bigay sa kanya ni Kris bilang top executive ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP). Humihingi si Kris ng kabuuang danyos na P32.27 million.

Gayunman, itinanggi ni Nicko ang lahat ng akusasyon sa kanya ni Kris.

Ayon sa kanya, ‘di lingid kay Kris na ang credit-card expenses na nagkakahalaga ng P551,700.59 ay ginastos sa business trip ng KCAP team sa Hong Kong noong Hulyo 2018.

Inapela ni Atty. Regidor Ponferrada, ang abugado ni Nicko, sa Taguig Prosecutor’s Office na bawiin ng korte ang naturang warrant of arrest.

“We’ve filed an Omnibus Motion before Branch 117 of the Metropolitan Trial Court of Taguig City, wherein we prayed for leave of court to file a Motion for Preliminary Investigation, for suspension on the ground of existence of a prejudicial question in a civil case, and/or to quash, defer the issuance of, or recall the warrant of arrest on the ground of absence of probable cause.

“A similar Omnibus Motion was filed before Branch 70 of the Regional Trial Court of Taguig City.”We will verify if a warrant has been issued.But we hope the issuance of the same will be deferred in the light of our motion,” pahayag ng kanyang abugado.

Samantala, nitong Oktubre lumabas na ang mga balitang tinapos na ni Kris ang laban nila ni Nicko.

Wala pang pahayag ang kampo nina Nicko at Kris kung bakit meron pa ring standing warrants laban sa una kahit na inatras na ng huli ang kanyang mga kasong isinampa sa korte.

Samantala, nakalabas na si Nicko sa pagkakadetine matapos itong magpiyansa ng P60,000 para sa access device case at P6,000 para sa estafa sa Pasay night court.

Ayon sa ulat ni Ces Orena-Drilon sa ANCX, inasahan na raw ng Falcis family na siya ay maaaresto sa kanyang muling pag-apak sa bansa.

Sa kasunduan ng magkabilang panig, ang mga reklamong kinakaharap ni Nicko sa Taguig-RTC ay dapat naiatras na dalawang buwan matapos nilang magkapirmahan ng kasunduan. Pero dahil palaging absent daw si Kris sa mga hearing kaya’t naantala ang proseso at hindi naaksiyunan ng dalawang korte sa Taguig ang kasunduan.

Samantala, may karamdaman daw si Kris sa tatlong magkakasunod na hearing ayon sa kanyang kampo kaya hindi siya nakadalo.

Sa January 22, 2020 ang susunod na hearing para sa dalawang kaso.