Despite their age and motherhood, netizens were still amazed by the beauty and sexiness of Sunshine Cruz and Ina Raymundo when they walked in the fashion week held by a clothing brand recently.

“At 46, with three grown-up children, stepping onto the Bench Fashion Week runway for the first time was both exhilarating and empowering,” saad ni Sunshine sa kaniyang Instagram post.

Sabi naman ni Ina: “This is not something a 48 year old, mom of 5 usually does- to walk down the runway among a slew of stars. It was empowering. Thank you for the opportunity @benchtm♥️”

But apart from Sunshine and Ina, who are the hot mommas of Philippine Showbiz?

      Marian Rivera (39) 

Magsasampung taon nang kasal si Marian sa asawa niyang si Dingdong Dantes. May dalawa na rin siyang anak sa aktor, sina Zia at Sixto. Pero hindi pa rin kumukupas ang kaniyang ganda. Nananatili pa rin ang balingkinitang korte ng katawan niya.

Sa isang panayam kina Marian at Dingdong noong 2021, ibinuking ng huli na ini-indian umano siya ng kaniyang misis sa umaga para mag-work out. Pero depensa ni Marian, napupuyat daw kasi siya sa pag-aalaga ng mga bata kaya hindi niya nasasabayan si Dingdong. Nagse-set na lang siya ng sariling schedule to maintain healthy lifestyle.

      Aubrey Miles (41)

Dalawang taon pa lang na kasal si Aubrey sa aktor na si Troy Montero. Pero bago pa man ito, 18 taon na silang magkarelasyon kaya naman masasabing may matibay na pundasyon na ang kanilang samahan.

May dalawang anak na si Aubrey kay Troy, sina Hunter at Rocket. Bukod pa diyan syempre ang isa pa niyang anak sa dati niyang jowa.

Pero kung titingnan ang pangangatawan ni Aubrey, litaw na litaw pa rin ang alindog niya. Siya pa rin ang Aubrey na napanood sa pelikulang “Xerex” at “Prosti” na bumusog sa pantasya ng kalalakihan.

Regular na nagsasagawa ng full-body work-out si Aubrey na ang ilang video ay madalas makikita sa kaniyang Instagram account.

      Angel Aquino (51)

Ikinasal si Angel noong 1995 kay Ian Bernandez na nakilala niya sa campus ng University of the Philippines-Baguio. Bagama’t ang kanilang kasal ay nauwi sa annulment noong 2004, nagkaroon naman sila ng dalawang anak na babae, sina Iana at Thea.

Sa kabila ng edad na 51, napapanatili pa rin ni Angel ang mala-anghel niyang hitsura. Regular siyang nagsasagawa ng stretching at yoga. Sa isang episode ng morning talk show na “>“Magandang Buhay” noong 2016, nagbahagi pa siya ng fitness tips sa mga host nitong sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

      Beauty Gonzalez (32)

Nagsimula ang buhay may-asawa ni Beauty nang ikasal siya sa art curator na si Norman Crisologo noong 2017 sa isang garden wedding ceremony na ginanap sa Tagaytay. Nagkaroon sila ng isang anak na babae, si Olivia Ines, na ngayon ay 8 taong gulang na.

Pero sa kabila nito, makikita sa kaniyang mga social media accounts na punong-puno pa rin siya ng kompiyansa sa pagbibilad ng pictures na swimsuit lang ang suot. Hindi pa rin naman kasi nawawala ang kaseksihan ni Beauty kahit may isa na siyang anak.

At tila hindi siya nangangambang kumupas ang magandang physical appearance niya na dulot ng pagbubuntis. In fact, gusto na nga niyang magka-baby ulit.

MAKI-BALITA: Bianca King, may inalok sa muling pagbubuntis ni Beauty Gonzalez

Samantala, sa isang Instagram post ni Beauty noong July 2021, ibinahagi niya ang kaniyang work-out video kung saan matutunghayan ang mga ginagawa niyang exercise gaya ng boxing, jumping rope, weight training, planking, at marami pa.

      Sarah Lahbati (30)

May dalawang anak na si Sarah sa aktor na si Richard Gutierrez, sina Kai at Zion. Pero sa kaniyang mga social media post, makikitang patuloy pa rin siyang nagbabahagi ng mga naka-bikining pictures.

In fact, hindi na itinatago pa ni Sarah ang kaniyang stretch marks. Tinanggap na nga niya ang mga ito bilang bahagi ng kaniyang pagkatao at tinawag pang “best tattoos.”

Gayunpaman, gaya ng ibang celebrity couple, nauwi sa hiwalayan ang kasal nina Richard at Sarah. Kinumpirma ito ng aktres noong Marso 2 sa isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN News.

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati, kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

Pero bago pa man ito, tila marriage goal ang peg ng ex-celebrity couple. Sa isang Instagram post kasi ni Sarah noong 2022, makikita pang magkasama silang nagbibisekleta.

“Constantly pushing ourselves towards achieving our fitness goals and keeping our mindset and habits on track,” saad niya sa naturang post.

Inamin din ni Sarah sa isang artikulong inilatahala ng PEP noong 2011 na hindi raw siya kumakain ng karne mula pagkabata. Mas gusto raw niya ang mga isda, gulat, at yoghurt.

      Jennylyn Mercado (36)

Bago pa man maikasal at magkaroon ng isang anak kay Dennis Trillo, nagkaroon muna siya ng panganay kay Patrick Garcia na ngayon ay maglalabing-anim na taong gulang na. Bukod pa diyan, nagko-co-parent din siya sa anak ni Dennis sa ex-jowa nitong si Carlene Aguilar.

Pero hindi maitatangging maganda pa rin ang figure ni Jennylyn at parang hindi nanganak. Sa isang panayam sa kaniya ng GMA Integrated News noong 2014, ibinahagi niya na pagbibisekleta at pagtakbo ang sikreto sa likod ng kaniyang kaseksihan.

Samantala, sa isa ring panayam ng naturnag news agency, binanggit ni Jennylyn na Pilates umano ang isa sa mga paborito niyang gawin sa kaniyang work-out session. In fact, nagpatayo pa siya ng isang maliit na studio sa kaniyang bahay para rito. Ito rin ang exercise na ginawa niya matapos niyang isilang ang kaniyang ikalawang anak.

“Doon [Pilates] ako komportable, never ako nagkaroon ng injury like sa triathlon, grabe injury ko sa tuhod, pero ‘yon ang para sa ‘kin pinaka-safe na gawin kasi kahit siguro, matatanda, buntis, pwedeng gawin ‘yon,” kuwento pa ni Jennylyn.

      Cristine Reyes (35)

Kahit mommy na, sexy at fit pa rin si Cristine. Ayon kasi sa kaniya, bahagi na raw ng kaniyang daily survival routine ang work-out.

“It’s like a stress reliever. Doon ‘yong outlet, e. Like if sometimes you just wanna release that stress, work-out ka lang,” saad niya sa isang panayam ng sports reporter na si Dyan Castillejo noong 2020.

Kaya naman, hindi nakapagtatakang nahumaling sa kaniya ang hunk actor na si Marco Gumabao na mas bata sa kaniya ng 6 na taon.

Marso noong nakaraan taon, umamin si Marco tungkol sa real score nilang dalawa ni Cristine matapos nilang maispatang magkasama sa Siargao.

      Alice Dixson (54)

Kung may beauty at kaseksihan mang hindi kumukupas sa kabila ng paglipas ng panahon, isa na siguro rito ang kay Alice. Ang edad niya kasi ay nasa pagitan ng isang ina at pagiging lola. Pero tila walang bakas ng katandaan sa kaniyang hitsura.

Sa isang Instagram post noong 2023, nagbahagi si Alice ng raw video footage ng kaniyang work-out session. Ibinahagi rin niya sa caption ng naturang post ang umano’y new self-care routine lalo na ngayong 54 na siya. Napansin daw kasi niya ang pagbabago sa kaniyang katawan sa nakalipas na dalawang taon.

“I noticed a lot of changes in my body in the past 2 years. Not good; feeling weak, frequent injuries, weight gain, feeling low especially on energy, endurance and mood,” saad niya.

“So I finally implemented changes last month; a self care routine which included mindful eating and strength training,” aniya.

“Absolutely NO TO fad DIETS, and YESSSS to lifting weights to gain muscle,” dugtong pa ni Alice.

Fifty one years old na si Alice nang magkaroon siya ng panganay na anak sa pribado niyang asawa sa pamamagitan ng surrogacy.

Pero bago pa man ito, matatandaang ikinasal si Alice sa negosyanteng si Ronnie Miranda. Nagsama sila bilang mag-asawa sa loob ng 14 na taon bago tuluyang maghiwalay noong 2013 na wala maski isang anak.

      Gretchen Barretto (54)

Magkasing-edad lang sina Alice at Gretchen pero gaya ng una hindi rin nawawala ang taglay na kagandahan ng huli. Noong 2021, hinangaan ng mga netizen ang pcture niyang nakasuot ng bikini sa edad na 51.

Bagama’t hindi kasal si Gretchen sa business tycoon na si Anthony Cojuangco, nanatiling matatag ang kanilang pagsasama simula noong 1994 kumpara sa ibang celebrity couple.  Nabiyayaan sila ng isang babaeng anak na si Dominique Cojuangco na ngayon ay kasal na sa negosyanteng si Michael Hearn.

Kaya naman, kapag titingnan ang mag-ina ay tila magkapatid lang ang dalawa. At ayon sa ulat ng isang pahayagan, ang sikreto raw ni Gretchen sa pagpapanatili ng kaniyang bagets na hitsura ay pagkain ng mga gulay, seafoods, paglalagay ng moisturizers, at eye gel.

      Dawn Zulueta (55)

Limang taon na lang, matatawag na bilang isang senior citizen si Dawn. Pero tila lalo lang siyang gumaganda habang nadagdagan ng taon ang edad niya.

Ikinasal si Dawn sa negosyante at politikong si Anton Lagdameo noong 1997 sa University Club of New York. Kung susumahin, 27 taon na silang nagsasama bilang mag-asawa. At pinagpala naman sila dahil nagkaroon sina Dawn at Anton ng dalawang anak na sina Jacobo at Ayisha.

Sa isang “>panayam ni Boy Abunda kay Dawn noong 2019, ibinahagi ng aktres ang sikreto sa likod ng kaniyang timeless beauty.

“Habang tumatanda ka, medyo dapat nage-gain ka ng konting weight. Pero konti lang. Nang sa gano’n ‘yong mga linya mo, medyo umaangat,” saad ni Dawn.