Vice Ganda calls out TV5’s “fa.ke, clickbait, mema” report about him and Marian Rivera

Vice Ganda, Marian Rivera, Gretchen Ho, MJ Marfori

Vice Ganda expresses dismay at TV5’s Frontline Sa Umaga for airing a false report that he and Marian Rivera had a previous falling-out. Frontline Sa Umaga news anchor Gretchen Ho tells Vice that she will look into the issue.
PHOTO/S: @pepalerts Instagram / @vicegandako Twitter
Umalma si Vice Ganda sa tinagurian niyang “fake news” na balitang umere sa TV5 morning newscast na Frontline Sa Umaga.

Nakarating kay Vice ang video clip mula sa Frontline Sa Umaga kunsaan host si Gretchen Ho.

Nag-intro si Gretchen tungkol sa showbiz news na nagsasabing natuldukan na ang isyu sa pagitan ng Kapamilya TV host-comedian na si Vice Ganda at Kapuso actress na si Marian Rivera.

Ang ipinakilala ni Gretchen na nag-voice-over ng ulat ay ang veteran entertainment reporter na si “MJ Marfori.”

Binanggit sa ulat na ang pinagmulan ng “iringan” ay ang insidente “nang okrayin ni Vice ang grammar ni Marian.”

Ikinabit ito sa video mula sa Instagram ng @pepalerts na nagpapakita ng masayang yakapan nina Vice at Marian sa Preview Ball noong Miyerkules ng gabi, August 31, 2022.

Sinabi sa ulat ng TV5 na patunay itong nagkaayos na ang dalawang stars.

Ang video ng TV5 report na iyon ay nasa official Twitter account na @News5PH ng TV5, at dito nag-react si Vice.

Dismayadong tweet ni Vice: “Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!!

“Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!”

Dagdag pa ni Vice, “super kadiri” ang umereng ‘clickbait’ na ‘fake news.'”

Vice Ganda, Marian Rivera, TV5

Nag-reply naman ang Frontline Sa Umaga news anchor na si Gretchen Ho na iimbestigahan niya kung bakit nagkaganoon ang report.

Tweet ni Gretchen: “Hi Vice, will investigate and send this to our producers.”

Gretchen Ho, Vice Ganda

Lumalabas na may aberya sa nagprodyus at nagsulat ng ulat sa showbiz segment ng Fronline News Sa Umaga na in-intro ni Gretchen bilang news anchor ng show.

Kung pakikinggan kasi ang voice-over sa ulat ay hindi iyon boses ng entertainment reporter na si Marfori.

Hindi rin malinaw sa ulat kung anong eksaktong pinagbasehan nito dahil tila walang recent news na maaaring panggalingan ng isyu.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay deleted na ang video clip ng Frontline Sa Umaga sa Twitter account ng TV5.

VICE GANDA’S EXCHANGE WITH MJ MARFORI

Nagulat naman si Marfori na na-tag siya ng netizens sa fact-checking issue.

Nag-reply siya sa thread ng tweet ni Gretchen at tinag si Vice.

Tweet ni Marfori kalakip ng laughing emoji, “Also, hindi ko story ito. @vicegandako”

Pero seryosong nainis si Vice sa umereng “fake news” tungkol sa kanya.

Reply ni Vice kay Marfori: “Also, hindi ko trip ang emoji mo! May nagjoke po ba?”

Vice Ganda, Marian Rivera, TV5

Sa sumunod na tweet ni Marfori, humingi siya ng paumanhin kay Vice.

Sinabi ng TV5 reporter na nauunawaan niyang apektado si Vice sa pagkalat ng maling impormasyong nagkairingan ang comedian at si Marian.

Nasorpresa lamang daw siya na nakuwestiyon ang kredibilidad niya bilang reporter dahil siya ang pinakakilalang tagapagdala ng ulat sa segment ng Frontline Sa Umaga, gayong hindi ito nanggaling sa kanya.

Tweet ni Marfori: “I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend.”

Laughing emojis ang sagot ni Vice sa tweet ni Marfori.

Vice Ganda, Marian Rivera, MJ Marfori, Gretchen Ho, TV5

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News