Ito ang ipinahayag ni Doc. Willie Ong sa kanyang recent video kung saan nag-bahagi siya ng ilang health updates.

“Kung bubuhayin pa ako ng Diyos, babalik tayo, aayusin ko talaga ang healthcare,” saad ni Doc.
Willie.

“Wala akong pake, tandaan niyo. Wala akong pake. Sasagasaan lahat ng sasagasaan, para makuha ‘yan.

Tutal patay na rin naman ako eh, ‘di ba? Tutal patay na rin ako, what do I lose? Kung magalit kayo, kung hindi niyo maintindihan ginagawa ko,” wika pa niya.

“Basta sure ako, naintindihan niyo man o hindi ginagawa ko, sure ako para sa inyo ‘to,” dagdag niya.

Matatandaang nito lamang September 14 nang ibinahagi ni Doc. Willie ang kanyang battle sa sakit na large abdominal cancer.