Nadine Lustre breaks silence on teenage brother’s death; slams bashers

Binasag na ni Nadine Lustre ang kanyang katahimikan tungkol sa pagpanaw ng nakababatang kapatid na si Isaiah, 16.

Ngayong Huwebes, Oktubre 12, nag-post ng mensahe ang 23-year-old actress sa Instagram Story.

Dito ay nakiusap si Nadine na huwag mag-post at i-repost ang mga larawan at video niya na kuha mula sa burol ng kapatid.

Sabi pa niya, “Let’s give respect. This is for EVERYONE. Thank you.”

Ang Instagram Story ay nabubura pagkalipas ng 24 oras mula nang mai-post ito.


MESSAGE TO BASHERS. Sa kanyang sumunod na post, binuweltahan ni Nadine ang mga humuhusga sa kanya kaugnay ng pagkamatay ng kapatid.

Kasabay kasi ng pagbuhos ng pagsuporta at pakikiramay sa kanilang pamilya sa social media, nakatanggap din ng panghuhusga mula sa bashers si Nadine.

May ilang netizens ang nagkomento na hindi raw apektado ang aktres sa nangyari, na paawa raw ito, at inuuna pa ang love life.

Pero matapang na pahayag ni Nadine tungkol dito: “To everyone who’s been judging me for the past few days, remember this. You will always see me UP but never DOWN.

“So wag niyong hanapin.

“Get lost please.”

Karugtong nito ay mensahe niya para sa mga nagbabahagi ng kanilang “stories of weakness.”

“And to everyone who’s been sharing me stories of weakness Im reading. Wait for me… I GOT U

SUICIDE INCIDENT. Kinumpirma ng tiyahin ni Nadine na si Nona Clemente ang pagkamatay ni Isaiah.

Si Nona ay first cousin ng ama ni Nadine na si Ulysses Lustre.

Mensahe ni Nona sa kanyang Twitter post kahapon, Oktubre 11: “Please lift a prayer for my nephew, Isaiah Lustre. Eternal rest grant unto him Oh Lord. And let perpetual light shine upon him. #keepgoing”

Base sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuang duguan si Isaiah sa kanyang kwarto sa kanilang bahay sa Quezon City, noong Sabado, Oktubre 7.

Isinugod sa Pacific Global Medical Center ang biktima, pero hindi na ito nailigtas.

Kumbisido naman umano ang ama ng biktima, si Ulysses Lustre, na nagpakamatay ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News