Andi Eigenmann brings some of late mother Jaclyn Jose’s ashes to Siargao. Stopped by Coco Martin

Gabby Eigenmann still keeps in touch with Andi and her family.

Andi Eigenmann brings mom Jaclyn Jose ashes in Siargao

Gabby Eigenmann (left) gives family update after Jaclyn Jose’s (center) death; says half-sister Andi Eigenmann (right) brings some of her mom’s cremated remains when she returned home to Siargao. 

Umuwi na ng Siargao si Andi Eigenmann para doon tuluyang magluksa at mag-move on sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Pumanaw si Jaclyn dahil sa atake sa puso noong March 2, 2024. Siya ay 60.

March 10 naman nang ihatid ang kanyang cremated remains sa The Garden of the Divine Word Columbary sa E. Rodriguez Sr. Avenue , Quezon City.

Dahil sa pagpanaw ng beteranang aktres, lumuwas ng Maynila si Andi na matagal nang nakabase sa Siargao simula nang maging partner niya si Philmar Alipayo.

Kuwento ng nakatatandang kapatid sa ama ni Andi na si Gabby Eigenmann, matapos ihatid sa huling hantungan ang mga abo ni Jaclyn ay lumipad na rin pa-Siargao si Andi kasama ang kanyang mga anak at kapatid na si Gwen Guck.

Dala-dala rin daw ng aktres ang ilang bahagi ng cremated remains ni Jaclyn para may alaala siya habang sila’y nasa Siargao.

Saad ni Gabby, “Last time, may mga maliliit kasi silang ano [lalagyan]. I think Andi has brought some to Siargao, tapos si Gwen has one also.

“But siyempre, yung buong urn nasa columbarium na.

“Pero yun nga, meron silang maliliit na [lalagyan]. I think kumuha rin yung sister, si Gwen at saka si Andi.”

Ang kapatid ni Jaclyn na tinutukoy ni Gabby ay ang dating aktres na si Veronica Jones.

Pagpapatuloy pa ni Gabby, “I don’t know if si Ellie has also… ah si Ellie pala may necklace, nasa pendant niya.

“Yun, siyempre just to remember her, parang palagi rin nilang kasama kahit saan sila magpunta.”

“Pero yun nga, ang alam ko yung maliit [na lalagyan] dala ni Andi.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertaiment press si Gabby sa media conference ng My Guardian Alien, ang bagong seryeng pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion, na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, noong March 21, 2024.

Kahit na magkalayong muli, patuloy naman daw ang pangungumusta ni Gabby sa sitwasyon ni Andi at ng kanyang pamilya sa Siargao.

Paniniguro ng Kapuso actor, “Tsine-check ko naman sila lagi. Kasi nase-sepanx din ako.

“Kasi si Andi, first time in a long time… she stayed with me kasi in the first few days during the wake.

“Sa amin siya tumira. Tapos dumating na si Philmar kasama yung dalawa nilang kids… nahiya, e, nahiya sila to stay longer.

“Sabi ko naman, ‘No, no, no! The house is open for you, family naman tayo.’

“Pero siyempre, they wanna do things on their own, e. Umalis sila.

“Then eventually nag-check in sila sa hotel tapos inayos lang nila yung mga dapat ayusin, then bumalik na sila sa Siargao.”

Coco Martin INAMIN ang DAHILAN KAYA INATAKE sa PUSO ni Jaclyn Jose!

Andi and Gwen spending time together

Nakasisiguro rin naman daw si Gabby na mabuti ngayon ang kalagayan ni Andi dahil bukod sa kanyang partner na si Philmar at mga anak na sina Ellie, Lilo, at Koa, ay kasama rin nito ngayon ang kapatid niyang si Gwen sa Siargao.

Nagdesisyon daw kasi si Gwen na panandaliang manatili muna sa Pilipinas para makapiling si Andi at kanyang mga pamangkin.

Kuwento ni Gabby, “Alam ko happy naman sila ngayon.

“Now actually, nagba-bonding ni Gwen, because Gwen is in Siargao.

“I think, Gwen, he’ll stay there until the 24th [of March]. Tapos balik siya rito sa Manila then uuwi na siya sa Amerika.

“Okay naman sila. I’m sure they’re having the time of their lives, being together, kasi matagal din silang hindi nagkita.

“Though, they are talking naman, nag-uusap sila sa telepono, nagpe-Facetime naman sila, ngayon magkasama sila sa Siargao. So, happy naman ako.

“Alam ko rin naman na happy sila ngayon na magkasama.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News