Bago pa niya mapanalunan ang The Voice Season 26 sa America, nakapanayam si Sofronio Vasquez ng Showtime Online U. Dito ay binahagi ni Sofronio na malaking bagay sa kanya ang naging kasali siya sa Tawag ng Tanghalan dahil aniya ay grabe ang naging training niya. Aminado din siya na mas matindi ang labanan sa Tawag ng Tanghalan kung ikukumpara sa The Voice base sa kanyang napagdaaanan. Para naman sa kanyang payo sa mga aspiring singers na na-inspire sa kanya sinabi niyang ipagpatuloy lang na mangarap dahil kung siya daw ay sumali sa The Voice PH at wala pang lumingon sa kanya
Bago pa mapanalunan ang titulong The Voice Season 26 champion sa Amerika, ibinahagi ni Sofronio Vasquez ang kanyang payo sa mga aspiring singer sa panayam ng Showtime Online U.
Sofronio Vasquez sa mga aspiring singers: “Sumali nga ako sa The Voice Ph walang lumingon sa akin”Source: Facebook
Ayon kay Sofronio, naging malaking bahagi ng kanyang pag-unlad ang pagsali sa Tawag ng Tanghalan, kung saan aniya ay dumaan siya sa matinding pagsasanay.
“Anlaking bagay sa’kin na nakasali ako ng Tawag ng Tanghalan kasi talagang na batak ako,” pahayag ng singer.
Inihayag din niya na mas matindi ang kompetisyon sa Tawag ng Tanghalan kumpara sa The Voice, batay sa kanyang pinagdaanan sa dalawang patimpalak. “Mas matibay yung labanan diyan sa atin,” dagdag niya.
Para naman sa mga aspiring singers na na-inspire sa kanyang kwento, ibinahagi niya ang isang payo: “As cliche as it sounds, talagang mangarap lang kayo.
Ako pinangarap ko siya back then. Sumali sa The Voice PH, walang lumingon and 10 years later, napasali ako sa The Voice America, naging 4 chair ako.”
Ang kwento ni Sofronio ay patunay na ang tiyaga at paniniwala sa sariling kakayahan ay susi upang maabot ang tagumpay.
Si Sofronio Vasquez ay isang Filipino singer na nakilala matapos maging kampeon ng The Voice Season 26 sa Amerika. Bago nito, sumali siya sa mga lokal na singing competition sa Pilipinas tulad ng Tawag ng Tanghalan at The Voice Philippines.
Nagbahagi ng kanyang saloobin si Michael Bublé, coach sa The Voice US, matapos ang finals night ng sikat na singing competition kung saan nagpakitang-gilas ang Pilipinong singer na si Sofronio Vasquez.
Sa panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe, inihayag ni Bublé ang posibilidad na makagawa ng kasaysayan si Sofronio.
Pinasikat ng Filipino singer na si Sofronio Vasquez ang pangalan ng bansa matapos siyang tanghaling kampeon sa Season 26 ng The Voice ngayong Martes, Disyembre 10. Ang tagumpay na ito ay nagdala rin ng unang panalo para kay Michael Bublé bilang coach sa kanyang debut season.