Vilma Santos, Aga Muhlach, and Nadine Lustre give outstanding performances in the MMFF 2024 official entry Uninvited, now showing in cinemas nationwide.
PHOTO/S: Mentorque Facebook
JERRY OLEA
Revenge is a dish best served cold.
Sa MMFF 2024 entry na Uninvited, limang taon ang pinalipas ni Eva Candelaria (Vilma Santos) bago niya ipinaghiganti ang pambababoy sa nag-iisa niyang anak na si Lily (Gabby Padilla).
An eye for an eye and a tooth for a tooth.
Nawalan ng anak si Eva, kaya balak niyang patayin ang anak nina Guilly Vega (Aga Muhlach) at Katrina (Mylene Dizon) na si Nicole (Nadine Lustre).
Ang pakikipagtuos ni Eva ay itinaon niya sa pagdiriwang ng ika-55 kaarawan ni Guilly.
Hindi lang si Guilly ang sisingilin ni Eva kundi maging ang mga alagad nitong sina Jigger (RK Bagatsing), Celso (Cholo Barretto), Randall (Gio Alvarez), at Jomar (Ketchup Eusebio).
Magtagumpay kaya si Eva? Ano ang kapalit ng kanyang paghihiganti?
Read: REVIEW: Uninvited, a gripping masterpiece of revenge
INTENSE LAST 10 MINUTES OF UNINVITED
F*ck! Ang husay-husay nina Vilma, Aga, at Nadine sa Uninvited!
Ang intense ng huling sampung minuto ng pelikula!
R-16 ang MTRCB rating sa Uninvited dahil sa tema nito, sa ilang eksena, at sa mga dialogue.
Isang oras at 33 minuto ang haba ng pelikula. May mid-credits scene ang frenemy ni Guilly na si Elmer (Tirso Cruz III).
Hindi nakag-theater tour si Ate Vi nitong Christmas Day.
Paliwanag ng Mentorque producer na si Bryan Diamante, pinagpahinga muna nila ang Star for All Seasons.
Noong Disyembre 21, Sabado, ay napagod siyempre si Ate Vi sa MMFF 2024 Parade of Stars sa Lungsod ng Maynila.
Read: MMFF 2024 Parade of Stars sidelights
The cast of Uninvited at the MMFF 2024 Parade of Stars
Photo/s: Sany Chua
Noong Disyembre 23, Lunes, ay nag-gold carpet premiere naman ang Uninvited sa SM Megamall sa Mandaluyong City.
Vilma Santos at the red-carpet premiere of Uninvited
Photo/s: Mentorque Facebook
Ngayong Disyembre 26 nakatakdang bumisita si Ate Vi at ilang co-stars sa ilang sinehang pinagpapalabasan ng Uninvited.
Bukas, Disyembre 27, Biyernes, ay dadalo siyempre si Ate Vi sa Gabi ng Parangal sa Solaire Resort sa Parañaque City.
CONTINUE READING BELOW ↓
Nang mawalan nang table ang Espantaho group | PEP
Malaki ang chance na magwaging best actress si Vilma sa golden edition ng Metro Manila Film Festival.
Go, Ate Vi! Go!!!
Read: Tatlong Santos, dalawang Julia kabugan sa MMFF 2024 best actress
NOEL FERRER
Pahayag ng Mentorque producer na si Bryan Diamante matapos ang 1:40 P.M. screening ng Uninvited sa Cinema 3 ng Gateway mall, Cubao, Quezon City, nitong Christmas day, “We’re very happy. Andami po naming mga sold-out cinemas today.”
Nakatulong ang advance ticket selling.
“Malaking tulong ang online ticket sales. Anlaki-laki ng tulong. Confident ka na na-curious ang mga tao,” sabi ni Bryan.
“And today is the D-Day. And hopefully, di ba, magtuluy-tuloy po.”
Ano ang reaksiyon niya sa mga feedback ng mga nakapanood na ng Uninvited?
“I’m very, very happy. It’s overwhelming… yung reviews, napaka-overwhelming!” bulalas ni Bryan.
“Siyempre ilang beses ko na siyang napanood. Desensitized na ako. So, may konti kang kaba.
“And today, it’s trending today because people are talking about online. So, nakakatuwa po. Nag-viral siya on its own today.
“And even though it’s R-16, I’m very confident it will surpass Mallari’s performance last year because we saw the numbers coming in already.”
Ang horror movie na Mallari starring Piolo Pascual ay prinodyus din ni Bryan ng Mentorque.
Pumangalawa ito sa Rewind bilang pinakamalakas na entry sa 49th MMFF.
Read: MMFF 2023’s Top 5 Box-Office Ranking Revealed
Ang nakakatuwa sa mga dekalibreng artista na may entry ngayong MMFF 2024, kakaiba sila sa kani-kanyang pelikula ngayon.
Ibang-iba si Vic Sotto sa The Kingdom, at nagpapasalamat siya na naitawid niya iyon.
Kahit si Vice Ganda sa And The Breadwinner Is… ay ngayon pa lang ginawa ang ganung drama na may comedy pa rin.
Kahit si Arjo Atayde ay ngayon lang siya tumodo ng aksyon sa Topakk, na hindi pa niya nagawa sa Bagman.
VILMA RETURNS TO ACTION
Nakapag-aksyon na noon si Ate Vi sa Darna movies, Vilma Veinte Nueve, Makahiya at Talahib, at ilang action films na hindi ko na maalala.
Ngayon lang siya uli mapapanood na nakipagbarilan, nananaksak, at tumatakbo.
Nanibago rin ako dito kay Ate Vi.
Pero hindi yung action scenes niya ang nagmarka rito kundi ang mga tahimik niyang pag-arte.
Nagawa niyang iparamdam sa iyo ang sakit na nararamdaman ng isang inang naghahangad ng hustisya sa nangyari sa kanyang anak.
Winner ang eksenang confrontation nina Ate Vi, Aga, at Nadine bago mag-ending. Ang gagaling nilang lahat!
Pero si Aga ang pinakagusto ko rito.
Nag-trending kahapon sa X (dating Twitter) na pam-Best Actor si Dennis Trillo sa Green Bones, puwede talaga lumaban si Aga sa kategoryang ito.