Umpisa pa lang ay hindi raw naisip ni DJ Ron Poe na pasukin ang pag-aartista.

DJ Ron Poe says no pressure for him when people recognize him as son of FPJ

Wala raw kasi sa personalidad niya ang buhay-showbiz.

Si Ron ay anak ni Hari Ng Pelikulang Pilipino Fernando Poe Jr. sa dating aktres na si Ana Marin.

Nauna siyang nakilala ng publiko sa pangalang Ronian Poe.

“Ako, just to be honest, I like to do everything myself kasi. So, alam mo naman sa showbiz industry. They control you, e.

“So parang I see that with my mom, with my… They tell you what to do. They tell you what to wear, di ba? I’m sure you guys know that.

“So, parang for me, ayaw ko ng ganoon. Ano na lang po ako, dito na lang po ako sa likod ng kamera,” lahad ni Ron.

Dagdag niya, “I’m more of, like, down low lang po ako, e. So, I’m more like, yeah, yung mga pang-DJ lang. Yung mga pang-tattoo lang.”

Ang pinakamalapit na karanasan niya sa showbiz ay noong minsang kapanayamin siya ng TV host na si Boy Abunda.

Pero liban doon ay iba raw talagang karera ang tinahak niya.

Nakakaramdam ba siya ng pressure kapag may nakakakilala sa kanya bilang anak ni FPJ?

“Not really,” chill na sagot ni Ron.

Dagdag niya, “Kasi ang trato ko lang po sa kanya daddy, e. Papa ko lang siya. So, parang kung ano ang view ko as papa, ganoon.

Nakapanayam ng press si Ron sa medialaunch ng iPERFORM na ginanap sa BSK Manila Club sa Taguig City, noong October 3, 2024.

Ang iPERFORM ay isang “musician-friendly” music platform para sa exclusive music content ng iba-ibang artists kabilang ang live shows at unreleased songs.

Ron Poe (@djronpoe) • Instagram photos and videos

Si Max Soussan, isang U.S.-based music producer, ang CEO at owner ng iPERFORM.

Nang tanungin kung anong klaseng content ang ilulunsad niya sa iPERFORM, sinabi ni Ron na maglalabas siya dito ng “original tracks na prino-produce ko.”

HOW RON POE BECAME A DJ
Ibinahagi din ni Ron na labing-pitong taon na siya bilang professional DJ.

“Yes po, matagal na po,” ngiti niya.

“Well, professionally, around 2007, 2008 ganoon. Pero nung, like, bata pa ako, mga
13, 14 [years old].

“Natuto ako sa tito ko sa Amerika. Parang pinsan ko, pero tito ko siya.”

Electro, EDM, at mash-up house music ang tinutugtog ni Ron bilang DJ.

Paglilinaw din niya, “[I’m] not really a musician. Pero, like, somehow inclined naman ako sa mga basic music. Yung mga ganoon lang.”

Hindi raw siya kumakanta, pero noong bata siya ay kumuha raw siya ng voice at piano lessons na ideya raw ng kanyang maternal grandmother.
“I’m trying to open up more tattoo shops. As of now, I have five [located in] Makati, QC, BGC, Palawan, and El Nido.”

Nagsimula raw siya sa tattoo business noong 2008.

“Mahilig kasi ako sa art before. So, nung nasa college ako, industrial design yung course ko.

“So, more on drawing and stuff like that. Tapos naging hobby ko yung tattoo. Nagpapa-
tattoo ako,” saad ni Ron.

Puno ng tattoo si Ron sa buong katawan, at makikita ito sa mga ibinabahagi niyang posts sa Instagram.