PURING-PURI ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil sa pag-aalaga at pag-aasikaso nito kay Kathryn Bernardo.
Saksi ang mga naka-work ni Alden sa pelikulang “Hello, Love, Again” kung paano niya inalagaan ang kanyang leading lady nang mag-shooting sila nang ilang linggo sa Canada.
In fairness, daig pa nga raw ng binata ang pagiging boyfriend kung asikasuhin niya si Kathryn kaya naman tuwang-tuwa at bilib na bilib sa kanya ang kanilang co-stars at production staff.
Pati nga ang veteran entertainment columnist at online host na si Nanay Cristy Fermin ay saludo sa pagiging maginoo ng Kapuso superstar.
Sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute”, nabanggit ni Nanay Cristy na talaga namang gentleman si Alden mula pa noon, kaya puring-puri niya ito nang malaman kung paano niya tratuhin si Kath nang mag-shoot sila sa Canada.
“Alam mo, natutuwa ako. ‘Yung pagiging maginoo niya, aba, kasama na pala siya doon sa mga pinapansin ngayon na nagbibitbit din ng kagamitan ni Kathryn Bernardo,” pahayag ng beteranang manunulata at radio-TV host.
“Pero si Joross (Gamboa, co-star ng KathDen sa HLA) ang nagkuwento nito. Wala raw siyang nakikita na anumang kaplastikan sa dalawa.
“Nakikita niya, tinutulungan ni Alden sa mga kagamitan. Kaya napakamaginoo,” sey pa ni Nanay Cristy.
Sabi naman ng co-host niyang si Romel Chika, may nakita rin daw siyang mga litrato kung saan hawak-hawak ni Alden ang food ni Kathryn habang nasa shooting ng “Hello, Love, Again” sa Canada.
Isa raw itong patunay kung paano itrato ng award-winning Kapuso actor si Kath sa gitna ng mga chikang nagkakamabutihan na nga ang dalawa. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang KathDen tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Samantala, naglabas na ng bagong teaser ang Star Cinema para sa “Hello, Love, Again” sa social media kung saan ipinakita ang muling pagkikita ng mga karakter nina Alden at Kathryn na sina Ethan and Joy.
News
Barbie Imperial Excited Nang Makipag-Barilan Sa Batang Quiapo
Handang-handa na si Barbie Imperial na sumabak sa mga matinding eksena sa bagong serye ni Coco Martin, ang ‘Batang Quiapo’. Isa siya sa mga bagong mukha na makikita sa serye, kung saan siya ay gaganap bilang si Tisay, ang bagong…
Chloe San Jose Inamin Na Nainlove Agad Si Carlos Sa Kanya Kahit Hindi Pa Sila! Nauto Si Carlos?
Ibinahagi ni Chloe San Jose ang isang nakakatuwang kwento tungkol sa kanyang boyfriend, ang two-time Olympic gold medalist at kilalang gymnast na si Carlos “Caloy” Yulo, nang sila pa ay nasa talking stage lamang. Sa pinakabagong episode ng “Toni Talks”…
Boy Abunda Binanatan Si Carlos Yulo at Dahil Sa Kalapastangan Sa Kanyang Ina Na Si Angelica Yulo!
Isang mahalagang mensahe ang ibinahagi ng King of Talk na si Boy Abunda kay Carlos Yulo kaugnay ng lumalalang hidwaan sa kanilang pamilya. Sa kanyang pahayag, pinayuhan ni Abunda si Carlos na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga isyu at…
Ai Ai Delas Alas May Prankang Inamin Kung Bakit Mas Pinili Si Ej Obiena Ng Milo Kaysa Kay Carlos!
Tuwang-tuwa si Ai Ai Delas Alas sa pagkakapili kay E.J. Obiena, ang Olympic medalist na Filipino pole vaulter, bilang bagong endorser ng sikat na powdered drink na Milo. Sa kanyang pananaw, mas nararapat si Obiena sa posisyong ito kumpara kay…
Chloe San Jose Nagsalita Na Sa Balitang Inuubos Niya Ang Pera Ni Carlos Yulo!
Si Chloe San Jose, ang girlfriend ni Carlos Yulo, ay nagbigay ng kanyang pahayag ukol sa mga bali-balitang nauubos daw ang pera ng atleta. Hindi maikakaila na patuloy na pinaguusapan ng publiko si Chloe, kasabay ng kanyang boyfriend na si…
5 Times Kathryn Bernardo Inspired Us to Shop At the Men’s Section
It’s no secret that Kathryn Bernardo is in a league of her own when it comes to her style. We’ve always been a fan of the actress’ versatility, which also translates into her recent fashion choices. While Kath has always…
End of content
No more pages to load