Chloe San Jose, Nobya ni Carlos Yulo, Ibinahagi ang Masalimuot na Karanasan sa Kabataan

Victim of Domestic Violence, Carlos Yulo's Girlfriend Chloe San Jose Makes  Heartbreaking Confession: 'My Courage Was Misunderstood' - EssentiallySports

Sa isang panayam sa Toni Talks Studio, ibinahagi ni Chloe San Jose, ang nobya ng kilalang gymnast na si Carlos Yulo, ang kanyang mga karanasan noong kabataan na naging dahilan ng kanyang katatagan ngayon. Si Chloe ay ipinanganak sa Pilipinas at lumaki sa Australia, kung saan naranasan niya ang ilan sa pinakamabibigat na pagsubok sa kanyang buhay.

Ayon kay Chloe, dalawang beses siyang dumaan sa mahihirap na panahon: una noong siya ay 11 taong gulang, at pangalawa noong siya ay 18. Nilisan nila ng kanyang pamilya ang Pilipinas at nanirahan sa Australia nang siya ay 11 taong gulang. Ngunit hindi ang pag-a-adjust sa bagong kapaligiran ang naging mahirap para kay Chloe, kundi ang karanasan niya sa domestic violence.

Who is Chloe San Jose, girlfriend of Filipino Olympic champion Carlos Yulo?  - VnExpress International

Sinabi ni Chloe na hindi lamang niya nasaksihan ang pang-aabuso sa ibang miyembro ng pamilya, kundi siya mismo ay naging biktima ng pisikal at verbal na karahasan. Dumating sa punto na nais niyang tumakas sa sitwasyon. “Noong ako’y 16 taong gulang, gusto ko na talagang umalis, pero dahil menor de edad pa ako, hindi ko magawa. Kaya naghintay ako hanggang mag-18 upang makaalis,” ani Chloe. Sa edad na 18, tuluyan siyang umalis at nakitira sa pamilya ng kanyang matalik na kaibigan.

Inilarawan ni Chloe ang kanyang karanasan bilang isang mabigat at masakit na kabanata ng kanyang buhay, ngunit sinabi rin niya na dahil sa mga pangyayaring ito, mas lalo siyang naging matapang. “Siguro kaya minsan ay naiisip ng mga tao na ang tapang ko ay maling naiininterpret. Hindi kasi nila alam ang pinagdaanan ko noong bata pa ako,” paliwanag niya.

Ang kanyang pagiging matapang ay nakapukaw ng iba’t ibang reaksyon, at nagdulot pa ng kontrobersya. Marami ang nagkakamali ng pagtingin sa kanyang tapang at iniisip na siya ang dahilan ng hidwaan sa pamilya ni Carlos Yulo. Sa kabila ng mga isyung ito, nananatiling matatag si Chloe, at ipinapakita ang kanyang lakas bilang resulta ng mga karanasan sa kanyang nakaraan

Carlos Yulo Defends Chloe San Jose Against His Mother's Comments