Ibinahagi ni Mark Andrew Yulo, ama ng 2-time Olympic Gold medalist na si Carlos Yulo, ang isang video sa social media kung saan makikita siyang nagbibisikleta habang tumutugtog ang “Rhythm of The Rain” ng grupong The Cascades bilang background music.

Mark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikleta
Mark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikleta
Source: Facebook

Agad na umani ng iba’t ibang reaksyon ang naturang post, kasama na ang mga komento na inuugnay ang kanyang pagbibisikleta sa relasyon nila ng kanyang anak na si Carlos.

Isa sa mga komento ng netizen ay nagsabing hindi na umano babalik si Carlos sa poder ng kanyang mga magulang dahil sa umano’y pagiging “toxic” ng mga ito. Tinawag pa ng netizen na ang tanging alas ng pamilya ay ang pagpapakita ng “pavictim card” para kaawaan sila. Sa kabila ng mabibigat na akusasyon, nanatiling kalmado at positibo ang naging tugon ni Mark Andrew, na sinagot lamang ang komento ng “God bless you po.”

Mark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikletaMark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikleta
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa pang netizen ang naghayag ng awa para kay Carlos, na aniya’y minalas umano sa mga magulang kahit na swerte na sana sa talento. Tumugon si Mark Andrew ng maikli ngunit puno ng pasasalamat, “Salamat 💕🙏,” na nagpakita ng kanyang pagpapanatili ng kapayapaan sa gitna ng mga pangbabatikos.

https://fb.watch/uqkBYjOZu3/

Sa kabila ng mga negatibong komento, pinili ni Mark Andrew na manatiling mahinahon at hindi na pumatol pa sa mga bumabatikos, isang hakbang na umani rin ng papuri mula sa ibang netizens na nakasaksi ng naturang palitan ng komento.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.

Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.