TRUE kaya ang chika na hindi muna bibigyan ng bagong project ng ABS-CBN si Andrea Brillantes matapos masangkot sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?
Yan ang mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga Marites all over the universe! Ang tsismis, pagkatapos daw ng matagumpay na “Senior High”, matetengga muna ang career ni Andrea.
Ang balita kasi, right after ng “Senior High” ay bibigyan agad ng follow-up project ng ABS-CBN si Andrea pero dahil nga siya ang sinisisi sa breakup ng KathNiel, mukhang tuturuan muna raw ng leksyon ang dalaga.
Sa nakaraang episode ng “Showbiz Update” vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz, napag-usapan nga ang tungkol sa career ni Andrea.
“Actually kasi dapat masundan na ‘yon (Senior High). Sana masundan siya. Kasi kahit naman ako, pwede akong maghanap pa o mag-crave ng more sa isang Andrea Brillantes pagdating sa series. E, lalo na successful ang ‘Senior High,’” ang sey ni Papa O.
Ngunit naniniwala raw siya na kahit nadamay si Andrea sa kontrobersyal na hiwalayan nina Kathryn at Daniel na itinuturing na prized possession ay hindi pababayaan basta-basta ng network si Andrea.
“Dahil may nakausap nga ako sa management ng ABS-CBN na magkakaroon ng sequel ang ‘Senior High.’ Dahil may clamor at maganda ang serye kaya sila-sila ulit ang mga bida,” rebelasyon ni Papa O.
Matinding pamba-bash at pangnenega ang inabot ni Andrea nang kumalat ang chikang siya ang third party umano sa breakup ng KathNiel.
Hanggang ngayon ay wala pa ring diretsahang pagdedenay o pag-amin na ginagawa ang mga taong involved sa isyung ito.
News
Andrea Brillantes, ni-like ang comment ni Chloe San Jose sa bagong post niya
– Chloe San Jose could not help but leave a comment on Andrea Brillantes’ new post on Instagram – In the said post, Andrea shared a set of photos and a video taken during her recent “ASAP” guesting – Carlos…
Chloe San Jose, nag-react sa bashers na kinumpara siya kay Chucky’s Bride
– Carlos Yulo and Chloe San Jose are the new brand ambassadors of Urban Smiles Dental Clinic – The two-time Olympic gold medalist’s girlfriend shared the good news on her Facebook page – In the comments sections of her post,…
Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang ‘Ulirang Ina Award’
– Natanggap na ni Angelica Yulo, ina ng Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang award – Kasama ni Angelica ang kanyang mister na si Mark nang tanggapin niya ang ‘Ulirang Ina Award’ – Bagama’t marami ang…
Julia Barretto at Gerald Anderson, nasa Gensan para sa kaarawan ng ina ni Gerald
– Binahagi ni Gerald Anderson ang ilang pictures na kuha sa ika-66 na kaarawan ng kanyang ina – Bukod sa picture nilang mag-ina ay naroroon din ang kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto – Base sa nakalagay sa post…
Stell Ajero of SB19 shares inspiring journey from McDonald’s crew to endorser of the same brand
– Stell Ajero, a member of SB19, shared his memories as a McDonald’s crew during a fan meet – He worked at McDonald’s while he was still in college, which taught him many life lessons – Now, Stell is one…
Anne Curtis, may nakakaaliw na entrance sa pagbabalik niya sa ‘It’s Showtime’
– Anne Curtis definitely knows how to put up a show – Just recently, she appeared in the ‘Kalokalike!’ segment of ‘It’s Showtime’ – It was her much-awaited comeback after her absence from the noontime show – She even pretended…
End of content
No more pages to load